Derrick Monasterio, nirerespeto ang relasyon nina Barbie Forteza at Jak Roberto

Feb 5, 2018

JERRY OLEA: Dalawang shooting days na lang ang natitira sa pelikulang Almost A Love Story nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio.

Idinidirek ito ni Louie Ignacio para sa BG Films, at Abril ang target playdate.


Nakunan na ang eksenang nakatapis lang ng tuwalya ang young actor, at nasurpresa si Barbie.

Continue reading below ↓

“Nakakalokah ang pa-bukol ni Derrick!” bulalas ng line producer ng movie na si Dennis Evangelista.

Susog ni Direk Louie, “Well, nakakaloka talaga! Pero game na game naman si Derrick, at aktres naman si Barbie... ninamnam niya yung eksena! Masarap!”

Magtutuluy-tuloy sa TV ang DerBie tandem.

Sa Pebrero 19 nakatakda ang taping ng kanilang teleserye, kung saan third wheel si Juancho Trivino.

Magselos kaya si Jak Roberto?

Hindi siguro.

Magkasamang dumating sina Jak at Barbie sa “debut” ng BG Films producer na si Madam Baby Go kagabi, Linggo, Pebrero 4, sa Marco Polo Hotel-Ortigas.


Continue reading below ↓


NOEL FERRER: Mahusay na aktres si Barbie Forteza, sana nga ay makasabay sa kanyang galing sa pag-arte (o mahawaan niya) ang mga kapareha niyang tulad nina Derrick Monasterio, Juancho Trivino, at maging ang boyfriend niyang si Jak Roberto.

Harinawa.

GORGY RULA: Pabiro ang sagot ni Derrick Monasterio na “siguro po” nang tinanong naming baka magkaroon na talaga ng selosan dahil tuluy-tuloy na tandem nila ni Barbie Forteza.

Continue reading below ↓

Pagkatapos kasi nitong Almost a Love Story, diretso sila ng Cebu para sa taping ng bagong series na gagawin nila para sa GMA News and Public Affairs.

Pero sa relasyon nina Barbie at Jak Roberto, in-assure ni Derrick na rerespetuhin naman daw niya ang relasyon ng dalawa.

Sabi ni Derrick, “Nagkaroon naman ako ng respect sa relationships ng tao. So, hindi po ako makipag-interfere sa relationship ng iba.”

Sa panig naman ni Derrick, ayaw rin daw niyang makipagrelasyon sa ngayon.

Sa dami ng ginagawa niya, makakaabala raw ito kung makikipag-girlfriend siya.

“Ayoko muna po. Magulo saka magastos,” pakli ng Kapuso young actor.

May pagka-galante pala itong si Derrick na tipo ng boyfriend. Bongga kung magregalo.

Naalala ng aktor na meron pala siyang naging girlfriend na binigyan niya ng napakamahal na regalo, at pinagsisihan daw niya yun dahil sa ginawa sa kanya.

Ayaw niyang sabihin kung anong regalo yun at baka malaman daw ng girl.

Continue reading below ↓

Hayaan na lang daw. Tapos na raw yun.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results