Mr. Gay World 2017 John Raspado, nangakong bolder and better ang Solo Para Adultos repeat

Feb 5, 2018

JERRY OLEA: “Bolder and better!”

Iyan ang paglalarawan ni John Raspado (Mr. Gay World 2017) sa dulang Solo Para Adultos (For Adults Only) na itatanghal muli sa Pebrero 10, Sabado, 8 PM, sa Music Museum, Greenhills.

Kaabang-abang ang pa-bukol nina John at Vivo Ouano, na sa photo shoot pa lang ay walang keber kung magkiskisan ang kanilang mga katawan.


Continue reading below ↓

Ang kanilang biruan, “Malaking tao, mahilig sa malaki! Kaya laging may ubo!”

Isa pang mahiwagang hirit, “Borta, mahilig sa torta!”

Mas payanig ang dalawang dilag na sina April “Congrats” Gustillo at Tori Garcia, na pasiklaban ng cleavage.

Halos mag-hello ang mga korona sa kanilang dibdib.


Continue reading below ↓


Biro ni April patungkol kay Vivo, “Nanggigigil iyan kanina pa!”

Ayon sa production manager na si Domingo Almoete, may butt exposure si Andres Vasquez sa rape scene.

“Truth or Bare” ang bagong tagline ng sex-comedy play, sa direksyon ni Alejandro “Bong” Ramos.

Handog ito ng Red Lantern Production ni Yuan Barron Ho.

Continue reading below ↓

Para sa tiket, makipag-alam sa TicketWorld, tel.# 891-9999.

NOEL FERRER: Dahil sa kanilang premiere noong isang taon na, in fairness, dinagsa naman ng mga tao, I’m sure they must have learned their lessons kaya may adjustments na sa kanilang gagawing February run.

Yes, bitin ang skin at baring... bitin pa rin ang acting—oh well, mga baguhan naman sila sa teatro kaya medyo forgiving ang audience.

Pero sana totohanin nila yung "Truth Or Bare" na blurb nila this time.

GORGY RULA: Bukod sa nabitin, nabanas at surang-sura ang karamihang nakapanood sa unang performance ng Solo Para Adultos.

Sana matupad ang pangako ng production staff na mas daring at bigay na bigay na itong repeat nila sa February 10.

Kasi kung tinodo na sana nila nung una, at walang kaartehan sa ilang main cast, tiyak na marami ang magkakainteres na panoorin itong repeat dahil ‘word of mouth’ baga!

Continue reading below ↓

Kaya malaking challenge ito ngayon sa promotion nila na kailangan makumbinsi nila ang mga manonood na iba ito ngayon.

Mas daring at mas bastos ang mapapanood nila sa stageplay na ito. Itodo na kasi!

Read Next
Read More Stories About
john raspado
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results