Mark Bautista, ikinumpisal ang intimate relationship sa kaibigang aktor

NOEL FERRER: Na-deliver na raw ng printing press sa National Bookstore, hihintayin na lang nating mai-distribute sa iba’t ibang branches, at mababasa na ang libro ni Mark Bautista na BEYOND THE MARK.

This is born from the many experiences sa buhay niya: sa career, maging sa love life, at yung pag-transition niya sa pag-explore ng buhay abroad, kung saan siya nagbida bilang Ferdinand Marcos sa Here Lies Love, una sa London, tapos sa Seattle.

Of course, naibalita rin natin dito ang pinagdaanan niyang near-death experience sa isang shooting incident sa Seattle na nagpaisip sa kanya: paano pala kung tinamaan siya ng stray bullet, maaaring namatay na siya doon.

At ang naisip ni Mark, kung mangyayari ba yun, tunay kaya siyang minahal ng mga tao bilang siya?

In this book, Mark (MacMac as we fondly call him) tells us his story—with pride, joy, and peace.

In fairness, unlike some other celebrity books na may ghost writers, siya talaga ang sumulat ng libro.

Kaya nga, puwede rin itong pamagatang MARK, HIS WORDS.

His book BEYOND THE MARK is expected to hit the bookstores in time for Valentine’s Day.


And on February 14, he, along with Arman Ferrer and Joaquin Valdes, will guest sa Valentine at 25th anniversary concert ni Joanna Ampil na Love Wins, sa BGC Arts Center, Maybank Theater.

This promises to be a WINNER of a CONCERT.

Puwede na kayong mag-book ng tickets niyo sa Love Wins concert sa Ticketworld 8919999.

Sigurado kaming maraming pasabog na magagandang numbers na talaga namang galing sa ating world-class performers, plus more revelations and love lessons, hindi lang kay Mark, kundi pati na kay Joanna who has loved, lost, and loved again.

Haven’t we all?

JERRY OLEA: With pride, Mark comes out with a book.

Sakto ito sa pagge-guest niya sa Valentine concert ni Joanna Ampil na Love Wins.

Mas makulay pa sa rainbow ang kanyang buhay, at inaabangan natin ang 50 shades of pink sa kanyang love life.

Mega-dramatic ang “pangungumpisal” ni Mark kaugnay sa intimate relationship nila ng kaibigang aktor.

Bromance!

Nag-aalab, nag-aapoy ang mga hugot ni Mark sa kabanatang iyon.

Sa kumalat na screen grab ng ilang pahina ng libro, may bahagi dun kung saan inamin ni Mark ang "bromance" nila ng isang "guy friend."

Humantong daw ito sa "temptation" at naging "intimate" sila sa isa't isa.

Dito humulagpos ang ngitngit ng aktres na kasintahan noon ng kaibigan niya.

GORGY RULA: Bakit kaya inilabas pa ito ni Mark? Meron bang nag-pressure sa kanya na kailangan na niyang i-out ito?

Mapupuri mo naman siya sa katapangan niya sa ginawang libro. Pero ang concern ko lang dito, ang showbiz celebrities na na-link sa kanya noon.

Mabubuhay na naman ang isyung yun at mabubulabog na naman ang ibang kilalang aktor na nananahimik.

Muli na naman mapapag-usapan at baka ma-pressure pa si Mark na banggitin kung sino ito.

Sino kaya kina kilalang hunk actor at isa ring male singer ang mas maaapektuhan sa ilalabas na libro ni Mark?

NOEL FERRER: More than the personalities na hindi naman pinangalanan sa libro, mas magpu-focus yata si Mark sa mga lessons learned niya sa kanyang journey towards self-discovery, sa pakikipagrelasyon, at sa paggawa ng MARK dito sa ating industriya.

Kilala natin si Mark bilang mahusay na singer at performer (world class pa nga, di ba), pero higit pa diyan (alam natin ‘yan, Jerry at Gorgy), isa siyang mabuting tao.

Hindi ba’t mainam ngang mahalin natin siya dahil siya’y nagpapakatotoo?

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN