Lovi Poe, ala-FPJ ang lakas ng sampal kay Erich Gonzales

Feb 6, 2018

JERRY OLEA: Anak nga siya ni Fernando Poe Jr.!

Iyan ang natanto ni Direk Joel Lamangan nang sampal-sampalin ni Lovi Poe sina Erich Gonzales at Tom Rodriguez sa pelikulang The Significant Other, na nakatakdang ipalabas sa Pebrero 21.

Rumarapido ang sampal ni Virginia Poe!

Duguan si Erich sa sampalan nila ni Lovi.

Tumama kasi ang palad ni Erich sa hikaw ng kasampalan.

Blood Sisters ang peg?!

Totohanan ang sampalan ng dalawang aktres, dahil utos iyon ng kanilang direktor.

Kahit nagkasakitan, maayos pa rin ang samahan nina Lovi at Erich.

Nagti-text at nagkukumustahan sila.

At ang tawag ni Erich kay Lovi ay “Lodi Poe.”

NOEL FERRER: Ang biruan sa burol ni Direk Maryo J. delos Reyes ay yun naman kasi ang inutos ni Direk Joel Lamangan kay Lovi—ang gawing makatotohanan ang eksenang sampalan.

Eh, yun naman ang nangyari, at higit pa nga!!!

So, kasalanan ba yun ni Direk Joel? Hahaha!

Continue reading below ↓


GORGY RULA: Bukod sa pagiging 'action star' ni Lovi, puring-puri ni Direk Joel si Lovi dito.

Mabait daw at walang kaarte-arte si Tom. Kahit si Lovi ay nababaitan din siya. Kaya gusto raw niyang makatrabaho uli.

"Mabait naman si Erich...mabait na siya," makahulugang sagot ni Direk Joel nang kinumusta namin si Erich Gonzales.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results