MTRCB, planong bigyang-parangal ang matitinong pelikula at TV shows

Feb 7, 2018

GORGY RULA: Pinag-iisipan pala ni MTRCB Chairperson Atty. Rachel Arenas na ibalik ang pamamahagi ng awards sa mga matitinong pelikulang ipinalabas nung nakaraang taon.

Pero iibahin lang daw nila ang konsepto na iba sa dating MTRCB Awards.

Ang gusto raw sana niya ay pumili ng mga matitinong Pinoy films para bigyan nila ito ng parangal.

Pero may nagpapayo rin sa kanyang every month ay maglabas sila ng listahan ng sampung TV shows na highly-recommended ng MTRCB.

Sa tulong ng board members at pati na rin ang deputy card holders, pipili sila ng sampung best TV shows na iri-recommend ng naturang ahensiya.

“Pag-uusapan namin. I also want to hear my board members,” pakli ni Chairman Arenas.

Sa ganitong paraan ay lalo raw silang masigasig sa pagbabantay sa mga programang ipinapalabas sa TV.

Mas okay raw kung monthly ang pagpili para laging mabibigyan ng guidance ang mga manonood kung ano ang mga nararapat na programang panoorin.

Continue reading below ↓

Mas titingnan daw nila ang content ng isang show, hindi ang stars na bahagi ng programa.


NOEL FERRER: Maganda ‘yang ganyang effort ng MTRCB na magbibigay ng HIGHLY RECOMMENDED LIST periodically.

Nang sa gayun, nabibigyan ng gabay ang mga manonood sa sinasabi nilang "Matalinong Panonood."

With this also, puwede nilang makuha ang participation ng kanilang deputy card holders.

Continue reading below ↓

Sa larangan ng telebisyon talaga (na siyang popular na medium ngayon), may pangangailangan na magkaroon ng pinagkakatiwalaang awards organization na angat sa network barriers.

Kung ang mga artista nga ay dinadayo pa ang pagtanggap ng award sa mga provincial school, ano pa kaya kung galing ito sa mismong board na nagka-classify sa kanila?

At tama, hindi star-oriented, kaya hindi maaakusahang nagtayo lang ng awards para lang makakita ng artista.

CONTENT, NILALAMAN ang labanan dito!

JERRY OLEA: Juice colored! Andami-dami nang namimigay ng awards, sasawsaw pa ang MTRCB?

Iyon ngang CEB (Cinema Evaluation Board) at MMFF 2017 ng MMDA, magkaiba ng panlasa sa walong filmfest entries.

Graded A ng CEB ang Ang Larawan at Deadma Walking; at Graded B ang anim pang ibang kalahok.

Ang kinilala ng 43rd MMFF ay Ang Larawan (best picture), Siargao (2nd best picture), at All Of You (3rd best picture).

Dinedma ng mga hurado sa filmfest ang Deadma Walking.

Continue reading below ↓

Andaming nagsabing basura ang Gandarrapido: The Revenger Squad, pero nakakuha ito ng gradong B mula sa CEB.

Bakit?

Sa 34th PMPC Star Awards for Movies, kasama sa walong nominadong best picture ang Ang Larawan, Siargao, at Deadma Walking.

Ligwak ganern naman sa PMPC ang All Of You.

Bukod sa walong best picture nominees ng PMPC, may walo pa silang nominadong indie movies.

Ang gulo!

Mabuti pa ang FDCP (Film Development Council of the Philippines) na pinamumunuan ni Chairman ni Liza Diño, walang ganyang pautot.

Sa taunang Film Ambassadors Night, pinagpupugayan ng FDCP ang mga pelikula, artista, at filmmaker na nagbigay ng parangal sa Pilipinas sa mga international filmfest.

Mabuhay!

Marami pang ibang pangkat na namumudmod ng kani-kanyang award.

Andami nang magagandang proyekto ang MTRCB, na dapat nilang pag-ibayuhin at lalong pasiglahin.

Andiyan naman ang sandamukal na deputy card holders ng MTRCB.

Marapat sigurong rebyuhin nila ang mga pelikulang pinapanood nila bilang gabay sa mga manonood ng pelikula.

Continue reading below ↓

Dapat lumahok ang deputy card holders sa mga seminar at aktibidad ng MTRCB—dahil iyon ay responsibilidad nila, hindi pribilehiyo.

Sinu-sino ba ang masusuwerteng nabiyayaan ng MTRCB deputy card?

Dapat nating alamin iyan at bantayan.

Pang ENDIND sa thread ng MTRCB..

NOEL FERRER : Kung sino man ang mag-aapply bilang MTRCB deputy ay dadaan sa very stylish na mga sapatos na ito na siyang suot ng ating cool na MTRCB Chairperson.


Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
MTRCB, Rachel Arenas
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results