Newcomer Andres Vasquez, "pwetmalu" sa repeat ng Solo Para Adultos

Feb 7, 2018

JERRY OLEA: Pwetmalu si Andres Vasquez sa repeat ng sex comedy play na Solo Para Adultos (For Adults Only) sa Pebrero 10, Sabado, 8 PM, sa Music Museum, Greenhills, San Juan City.

“Mas ii-improve ko po rito ang acting, sayaw,” pakli ni Andres nang makausap namin matapos ang rehearsal kagabi.

“Lahat po! This time, in-assure na po namin na may butt exposure.

“Actually, noong first time last year, dapat may butt exposure na ako.

“Kaya lang, biglang napatayan ng ilaw...”

Ikinukunsidera ni Alejandro ‘Bong’ Ramos (direktor ng Solo Para Adultos) na magbida si Andres sa remake ng 2009 indie movie na Butas.

Ito ay para sa Virgo character ni Marco Morales, na walang keber sa frontal nudity.

Malamang sa alamang, co-stars din niya rito ang mga katrabaho sa dulang SPA na sina April Gustillo (para sa Maya character ni Gwen Garci) at Vivo Ouano (para sa Jake character ni Allen Dizon).

Continue reading below ↓

Handa na ba siyang ipasilip ang kanyang sandata?

Napangiti si Andres, “Overwhelmed po ako sa offer ni Direk. At excited... Opo! Handa na po ako.”


GORGY RULA: Produkto ng Protégé 'yang si Andres Vasquez. Kasabayan sina Ruru Madrid & Thea Tolentino.

Continue reading below ↓

Pagkatapos ng Protégé, may isang mayamang businessman na di ako sure kung straight o bading.

Pero kinukulit ako na gustung-gusto makilala si Andres.

Bibigyan daw siya dalawang ticket na trip to Hong Kong kung type nito.

Di ko naman alam kung paano siya ma-contact. Kaya walang nangyari. Di ko na pinush.

Nung unang performance ng Solo Para Adultos, kinontak ko na si mayamang businessman para sabihing kasama si Andres sa sexy stage play na ito.

Baka type niya manood at bebentahan ko siya ng ticket.

Hindi na siya interesado. Hindi ko alam kung tapos na sila o nawalan na lang talaga ng gana.

NOEL FERRER: With his daring roles sa pelikula (Working Beks) at dito nga sa Solo Para Adultos, sana mahasa pa ang acting skills ni Andres at umangat na finally ang kanyang career katulad ng kanyang mga kapanabayan.

Hindi ba puwedeng si Vivo Ouano na lang ang pag-usapan kasi nagpapatulong ‘yan sa akin ngayon—at kasama na siya sa Blood Sisters.

Continue reading below ↓

Sana nga mas daring na siya at mature para sa role niya this time!

Good luck!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results