Bela Padilla-Carlo Aquino movie, halos P3M ang first-day gross

JERRY OLEA: P10M ang budget ng pelikulang Kita Kita nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez, na ipinalabas noong Hulyo 2017.

Humamig ito ng P320M sa takilya, pangalawa sa Gandarrapido: The Revenger Squad (P571M) bilang pinakamalakas na Filipino film last year.

Nagbida si Empoy katambal si Shy Carlos sa The Barker. Mahina ang tahol nito sa takilya.

Bidang-bida rin si Alessandra katambal ang baguhang si Ivan Padilla sa 12. Mahigit 12 ang nanood nito sa mga sinehan.

Naka-P100M ang pelikulang 100 Tula Para Kay Stella nina JC Santos at Bela Padilla.

Ito lang ang umariba nang bonggabella sa mga kalahok sa unang Pista ng Pelikulang Pilipino noong Agosto 2017.

Nawa’y matuloy ang sequel nito.

Last month, ipinalabas ang Mr. & Mrs. Cruz nina JC at Ryza Cenon.

Na-capture ng pelikula ang ganda ng Palawan.

Sabi ng mga kaibigan ko, walang chemistry ang dalawa. At least, pwetmalu rito si JC.

Kahit paano, hindi ito pasang-krus sa takilya.

Kahapon, Pebrero 7, ipinalabas sa mga sinehan ang Meet Me In St. Gallen nina Bela at Carlo Aquino.

Na-meet ba nito ang expectations ng produ sa box-office, considering na hindi raw umabot sa P3M ang first day gross nito?

Siguro. Madada ang pelikula, at keribels siguro nitong pantayan ang kinita ng Mr. & Mrs. Cruz.

Siyempre, mas mabenta sa moviegoers ang climax ng kasabay nitong Fifty Shades Freed.

Ngayong weekend eh kabi-kabila rin ang mga concert at palabas.

Andiyan ang JaDine concert na Revolution bukas (Biyernes) sa Smart Araneta Coliseum.

Sa Sabado ng 8 PM ang #paMORE concert sa SM MoA Arena. Kasabay nito ang repeat ng sex comedy play na Solo Para Adultos sa Music Museum.

Kaya good luck na lang sa movie nina Bela at Carlo.


Dalawang Pinoy films ang pagpipilian na Valentine date movie—ang My Fairy Tail Love Story (Elmo Magalona & Janella Salvador) at Sin Island (Coleen Garcia, Xian Lim & Nathalie Hart).

Abangan din ang mga aral sa pagmamahal mula sa The Significant Other (Lovi Poe, Tom Rodriguez, and Erich Gonzales) na ipapalabas sa Enero 21.

NOEL FERRER: Ang daming choices ng mga magde-date starting this weekend.

Nandiyan ang mga movies na showing this week. Balita natin ang halos maka-3M na opening day gross ang Meet Me At St. Gallen. Sana kumita pa ito dahil sa magandang word-of-mouth.

Isa pang aabangan ay ang susunod na pelikulang Pinoy na My Fairy Tail Love Story na catches all ages tapos yung Sin Island na pang-adult audience.

Yung The Significant Other naman ay pang-adult din ang tema ay nag-iingay din.

Ang daming choices ng mga tao in terms of entertainment ngayong Valentine season, but you know kung ano ang pinaka-magtatagumpay?

Yung may authentic connection sa audience at hindi engineered at artificial. Yung honest and sincere.

Mapa-pelikula, concert o play man 'yan, may we all feel loved, Valentines man and beyond...

GORGY RULA: Kasabay sa showing ng Meet Me at St. Gallen nina Bela at Carlo ay ang sexy movie na Fifty Shades Freed, at kumita ito ng 15M sa first day nito.

Binigyan ng R-18 ang naturang pelikula, kaya hindi ito napapanood sa SM cinemas. Pero sa kabila nito, malakas pa rin at patuloy na humahataw sa takilya.

Mukhang gustung-gusto na nga ng mga manonood ng mga sexy film kagaya nitong Fifty Shades Freed.

Dapat na nga ba nating ibalik ang mga ST of sexy films?

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN