Balik-tambalan nina Sharon at Gabby, may kilig pa rin

Feb 9, 2018

NOEL FERRER: 10/20. 'Yan ang code at term of endearment nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion noong kabataan nila at ito rin ang oras ng pag-launch ng kanilang bagong McDonalds endorsement 10:20 AM ngayong araw, February 9!



Continue reading below ↓

Muli, ang hindi natuloy sa pelikula ay nagawa sa commercial.

At least, sa lakas ng reaksiyon ng fans ng classic na love team na ito ng ‘80s, mukhang dapat planuhin na ang magandang film project sa kanila.

Buhay na buhay ang mga fans at yung mga nananalig sa level up na pagmamahal.


Continue reading below ↓


Given their history, nag-evolve na ang kuwento at kahulugan ng pag-ibig dito.

Pero aminin natin, may kilig at kurot sa puso pa rin.

Sharon summed it well sa kanyang post: “The best gifts my new 'project' has given me are: A renewed friendship with the one I never thought I could be friends with again although he is such a big part of my life and career... AND a happy daughter. Thank you Lord Jesus.”

Continue reading below ↓


JERRY OLEA: Mega-payanig! Fantastic ang Valentine commercial ng McDo ngayong 2018.

Eh, kasi naman, noong nakaraang taon ay waging-wagi ang online series ng Jollibee para sa Love Month — ang "Vow," "Crush," at "Date."

Kumusta kamo ang patalastas?

Akma ba sa edad nina Shawie at Gabo ang pakilig nila?

Throwback ang peg, as in nostalgic.

Continue reading below ↓

Siyempre, bentang-benta iyan sa kanilang fans (kabilang ako), kahit pa itim ang suot ni Sharon.

Nawa’y maka-relate din ang millennials.

NOEL FERRER: Akmang-akma yung "Kumusta Ka?" na may version si Sharon at si FPJ noon.

Kumusta ka?

May ibang kislap ang yong mata;

Halata na ang daigdig mo ngayon ay kay saya

Siguro ay nagmamahal ka na ng totoo;

S'ya ba'y katulad konung tayong dalawa?

Hindi binuo ang linya, pero sapul!

How about you aming mga ka-PEP Alerts, what say you?

GORGY RULA: Hindi naman naman nagpahuli ang Queen of Messages na si Manay Lolit Solis, na dating nanay-nanayan at manager ni Gabby.

Kanina lang ay nag-post siya sa kanyang Instagram account na masaya siya sa pagbabalik ng friendship ng dating mag-dyowa.

Posibleng matulad din daw ‘yan sa friendship nina Ogie Alcasid at Michelle Van Eimeren, Martin Nievera at Pops Fernandez, at Dra. Vicki Belo at Atom Henares.

Continue reading below ↓


Tila nabalik din ba ang friendship nila ni Gabby dahil sabi pa niya sa kanyang IG post, “Hanggang ngayon lagi ko sinasabi, isa sa pinakamabait na tao I know si Gabby. So good to see him still doing good. Congrats!”

Happy ako na malaman na gumagawa ng project together sila Gabby Concepcion at Sharon Cuneta . Long overdue na maging friends sila, Salve. Sa liit ng mundo ng showbiz , at sa pinagdaanan nilang dalawa , dapat lang na maging friends sila like Martin Nievera and Pops Fernandez, Ogie Alcasid , Michelle and Regine , like Vicki , Atom and Hayden, modern and happy couples. Hanggang ngayon naniniwala ako na kung mga mature na emotionally at mentally sila Gabby at Sharon that time na ikinasal sila , pewedeng naging forever ang relasyon nila . Kasi nakita mo naman , now solid ang marriage nila sa kani-kanilang partners. Eh nakita ko naman nuon na matindi ang love nila sa isa't isa , na tutoo ang naramdaman nila enough to get married but not enough to make it work. Immature pa sila nuon na nadadala pa ng mga opinyon ng mga outside forces na nakikialam , unlike now na kaya na nila ipaglaban ang kanilang love. For the sake of their previous relationship dapat lang maging friends sila , at happy ako dahil sure na it will make KC happy. Hanggang ngayon lagi ko sinasabi , isa sa pinakamabait na tao I know si Gabby , so good to see him still doing good, congrats. #instatalk #lolitkulit #70naako #jolitnomore�??? @concepciongabby

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results