Yumaong showbiz personalities muling kinilala sa FDCP Film Ambassadors Night

Feb 10, 2018

JERRY OLEA: Napakalamyos ng tinig ni Aiza habang inaawit niya ang "Paglisan" sa "In Memoriam" segment ng FDCP Film Ambassadors Night, na ginanap kagabi, Biyernes, February 9, sa Sampaguita Gardens, Valencia St., Quezon City.

Inalala sa segment ang mga taga-showbiz na yumao last year and early this year.

Napakunot-noo lang kami sa maling spelling ng pangalan nina Donna Villa (DONA Villa ang nakalagay) at Romeo Vasquez (ROY Vasquez ang nakalagay).


Continue reading below ↓


Bukod kina Donna at Romeo, ginunita sina Alfie Lorenzo, Baldo Marro, Chinggoy Alonzo, Emmanuel H. Borlaza, Gil Portes, Butch Bautista, Isabel Granada, Roy Sevilla, Soxy Topacio, Spanky Manikan, Zeny Zabala, Angge, Argel Joseph, at Maryo J. de los Reyes.

Waley ang kamamatay lang na si Tintoy, ganun din sina Ernie Zarate at Maryo Hernando na pumanaw noong Setyembre 2017, pati si Vincent Daffalong na yumao noong Oktubre 2017.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Maganda ang layunin ng FDCP sa pagpaparangal ng mga international achievers para maging Ambassadors.

Isa itong fellowship of film workers. Masaya naman ang party kagabi.

Hindi ko na naabutan ang In Memoriam" part. Kailangan siguro na maging mas thorough ang research sa susunod para tunay ngang maging intact ang kredibilidad ng institusyong nagpaparangal.

With this feedback, I’m sure they’ll do better next time.

GORGY RULA: Sabi pa ni FDCP Chairperson Liza Diño, “Ito yung maliit na maibigay ng FDCP.

"We give recognition sa mga nanalong filmmakers sa iba’t ibang festival sa buong mundo, 83 yung awardees natin. Lahat sila ay binigyan natin ng recognition.

“Pero more than the parangal, more than the glory and success, parang fellowship night for everyone. Kasi lahat yun nagpupunta sa ibang bansa. Iba’t-ibang countries ang pinuntahan na ni-represent nila.

"Ito yung time na they can get together, they can share their stories of their experiences dun sa pagsali sa pelikula.

Continue reading below ↓

“For me, it’s more than a night of triumph and victory, it’s more like… sana yung parang get-together, saka sharing ng success ng entire industry and promoting Philippine cinema in the world.”

Dagdag pang kuwento ni Chairman Liza, tuloy na tuloy daw ang Pista ng Pelikulang Pilipino na naka-schedule na sa August 15 to 21.

Inaayos lang daw ang mga bagong terms sa mga cinema, at may naka-set na raw silang meeting sa mga filmmakers para mapag-usapan, makahingi ng ibang opinyon na mapapakinabangan ng lahat para sa mas magandang Pista ng Pelikulang Pilipino.

Read Next
Read More Stories About
Angel Locsin, Lisa Dino
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results