Allen Dizon dedma kahit 5th choice sa movie nila ni Judy Ann Santos

Feb 10, 2018

JERRY OLEA: Masaya si Allen Dizon na nakatrabaho si Judy Ann Santos sa pelikulang Bayang Magiliw, na dinirek ni Brillante "Dante" Mendoza.

"Siyempre, napaka-professional ni Juday. Napakagaling!” bulalas ni Allen sa 2nd FDCP Film Ambassadors Night kagabi, Biyernes, Pebrero 9, sa Sampaguita Gardens, New Manila, Quezon City.

“Napakasarap katrabaho. Siyempre, kumbaga, napasama ako sa ganung klaseng pelikula, nakasama mo si Juday sa pelikula... isang karangalan para sa akin!”

Ang Bayang Magiliw ay tungkol sa conflict sa Mindanao. Nakaka-excite panoorin!

Napangiti si Allen, “Lahat kami, excited doon sa film. Sabi nga ni Direk Dante, hindi pa raw ngayong taon o next year.

“Wala siyang sinasabi kung kailan. So, siguro... darating yung time na maipapalabas din yung pelikula.”

Sa 1st Film Ambassadors Night last year ay kapwa tumanggap ng Camera Obscura Artistic Excellence Award sina Allen at Direk Brillante, kasabay sina Direk Lav Diaz, Jaclyn Jose, at Teri Malvar.

Ang Camera Obscura ang highest award na iginagawad ng FDCP sa exceptional members ng film community.

Continue reading below ↓

Honorees pa rin sina Allen, Direk Brillante, at Direk Lav sa Film Ambassadors Night 2018.

NOEL FERRER: Let’s credit Allen Dizon and his manager-friend Dennis Evangelista for getting really meaty and significant projects na naipalalabas ang kahusayan ni Allen bilang aktor.

This learned move and their goodwill has brought them to all parts of the globe and winning awards for the country. Rare feat iyan!

I only have high hopes for this movie with Judy Ann Santos and Direk Brillante Mendoza.

Isa rin ito sa mga pinapalakpakan kong desisyon ni Juday who has really been wanting to do more significant films, and work with various highly reputable members of our industry.

Heto, sana matuloy din ang isang project na pinag-uusapan namin ni Dennis para sa mga talents namin!

Patapang nang patapang ang mga proyektong ito. The edgier the better! At least walang katapusang pag-e-explore ng artistry, di ba? Game!!!

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Ito yung isang project na sinasabi ni Judy Ann na isa sa mga blessings na dumating sa kanya.

Ipinagdasal daw niyang sana bigyan sya ng magandang project na hindi pa niya nagagawa. Ito na nga yun at Ang Dalawang Mrs. Reyes.

Ipinagdasal din ito ni Dennis Evangelista na mapunta kay Allen.

Ang dami kasing aktor na inalok pero di nagkasundo sa schedule.

Kahit 4th o 5th choice dito si Allen, ang mahalaga sa kanya napunta ang magandang project na ito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results