Ethel Booba, pakuwelang nagpapalaganap ng HIV awareness

Feb 11, 2018

JERRY OLEA: Natuwa ako sa tweets ni Ethel Booba kaugnay sa nalalapit na Valentine’s Day...

“Madami nang namamatay dahil sa HIV/AIDS isa na dun ang kakilala ko. Kung di talaga maiwasan ang makipagsex kahit kanino at least use protection. Condom is not anti life dahil madaming buhay masasagip nito sa sakit gaya nyan & wag matakot magpacheck to know your status. Not Charot!”

“According sa study, 98% ‘daw’ effective ang condom pero in reality it's 85% ‘daw’ ... HIV is not spread through saliva. Ikaw tanong ko sure ka ba dyan sa mga sinabi mo? Charot!”

“As long as walang seminal fluid na naipasa because of the protection na nabigay ng condom they are safe. Alam ko di ata naipapasa ang virus via jebs. Charot!”

“Pwede ata sya makahawa if yung jebs contains blood. Pero correct ka much better to ask yung mga expert about sa ganito bagay kasi ako google google lang. Charot!”

Continue reading below ↓

“Madaming tao ang nag open sa akin na may HIV/AIDS sila some of them are my followers pero never ko nilabas ang info because I respect and love them. I think never ako nag-violate sa law na sinasabi mo. Charot!”


Nakikipagtalastasan si Ethel sa kanyang followers kaugnay sa HIV/AIDS. Tumutulong siya sa pagpapalaganap ng kaalaman kaugnay rito, at hindi siya nagdudunung-dunungan lang.

Continue reading below ↓

Swak sa usaping ito ang Kapuso adbokaserye ni Yasmien Kurdi na Hindi Ko Kayang Iwan Ka, kung saan HIV+ ang karakter niya.

Nakatakda itong ipalabas sa Pebrero 28, at ang pilot week nito ay idinirek ng namayapang si Maryo J. de los Reyes.

Si Maryo J ang nagdirek ng 1994 movie na The Secrets of Sarah Jane: Sana’y Mapatawad Mo, tungkol sa buhay ng AIDS activist and educator na si Sarah Jane Salazar na pumanaw noong Hunyo 2000.

Ang bida rito na si Gelli de Belen ay nagwaging Best Actress sa Gawad Urian.

Bago pumanaw si Direk Maryo J, kabilang sa mga plano niyang gawing pelikula ay ang Marco Positibo na tungkol sa isang lalaking HIV+.

Pagbibidahan sana ito ng alaga niyang si Orlando Sol (isa sa Masculados Dos).

Siyanga pala, ang isa pang Pinoy film na tumalakay sa HIV/AIDS ay ang Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story (1993), na idinirek ni Laurice Guillen, at pinagbidahan ni Vilma Santos.

Continue reading below ↓

Si Vilma rin ang nagbida sa 1984 film ni Direk Lino Brocka na Adultery (Aida Macaraeg Case No. 7892).

NOEL FERRER: Isang napapanahong topic ang HIV/AIDS sa ating bansa na kailangan talaga ng awareness at information dissemination sa lahat ng klase ng media.

May kilala akong isang leading senior lady journalist na nasa proseso ng paggawa ng isang documentary tungkol sa isyu at umaasa siyang gigimbal ito sa kamalayan ng mga tao.

Who knows, ito na ang puwedeng pambato natin sa New York Festivals at kahit na sa Peabody Award, at iba pang prestihiyosong lupon na nagbibigay ng parangal.

Si Ethel kaya, nag-aasam ng ganitong parangal?

Well, might as well... LOL

GORGY RULA: Ito rin daw ang advocacy ng karamihang kandidata ng Binibining Pilipinas 2018.

Na-inspire daw sila kay Pia Wurtzbach na active pa rin daw hanggang ngayon sa advocacy na ito.

Read Next
Read More Stories About
Ethel Booba, HIV awareness
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results