Shooting ng pelikula ni Bryann Revilla, tuloy kahit may tokhang sa labas

Feb 11, 2018

GORGY RULA: Patapos na pala ang shooting ng pelikulang may tentative title na Virgo 86, na pinagbibidahan ni Bryann Revilla kasama si Joey Marquez.

Kahapon, February 11, ay dinalaw namin ang last shooting day ng naturang pelikula, kung saan kinukunan ni Direk Richard Somes ang mabigat na eksena nina Bryann at Joey.


Continue reading below ↓

Kinunan ito sa loob ng lumang building ng Manila Times sa may port area sa Maynila.

Wala silang kamalay-malay na meron palang tinu-tokhang sa labas, malapit sa building na pinagsyutingan nila.

Dinig na dinig namin ang magkakasunod na putok ng baril. Hindi namin pinansin dahil ang buong akala namin, nagkaroon lang ng test firing ng mga baril na kukunan sa shooting.

Yun pala, totoong barilan.

Ayon sa mga nakasaksi, mga pulis daw ang bumaril sa dalawa katao. May nagsabing magnanakaw raw ang mga yun, at meron ding nagsabing mga drug pusher.

Hindi na namin inalam ang totoong nangyari, dahil ayaw na kaming palapitin sa lugar na pinangyarihan.

Nasilip lang namin na meron nang dalawang taong nakabulagta sa gilid ng kalsada malapit sa may Anda Circle.

Hindi na ipinarating ng production staff kina Bryann, Joey, at Direk Richard para hindi na sila mataranta, dahil mabibigat ang mga eksenang kinukunan.

Ang pelikulang Virgo 86 ay tumatalakay sa isyu ng droga, kung saan ginagampanan ni Byann ang role ng isang pulis.

Continue reading below ↓


At ginagampanan naman ni Joey ang role ng isang lider ng sindikatong tinutugis nina Bryann.

Hindi lang alam kung ano ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng tokhang sa lugar na pinagsyutingan ng naturang pelikula.

Ito bale ang pelikulang magbabalik sa Imus Productions sa paggawa ng marami pang pelikula. Gusto raw sana nilang ibalik ang Pinoy action films.

Continue reading below ↓

Yun daw kasi ang hiling ni dating Senador Ramon Revilla Sr. na maging active muli ang Imus Productions, at gumawa ng mga action films na hindi na gaanong pinu-produce sa ngayon.

JERRY OLEA: Ilang taon nang bagsak ang local action movies.

Eh, kasi naman, napapanood nang libre sa TV ang mga maaksyong palabas, gaya ng Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Setyembre 2015 pa nagsimula ang nasabing TV series ni Coco sa Kapamilya Network, kung saan leading lady niya si Maja Salvador.

Umeksit doon si Maja at nagbida sa teleseryeng Wildflower.

Halos isang taon ang teleserye ni Maja na nagwakas noong Biyernes, pero ang teleserye ni Coco ay patuloy na umaarangkada.

Tunay na si Coco ang tagapagmana ni Fernando Poe Jr., na tinaguriang Action King of Philippine Movies.

Kaya ang action film na ipapalabas sa mga sinehan ay dapat pasiklab ang production values upang tangkilikin ng moviegoers.

Kung si Coco ang bagong FPJ, sino kaya ang tatanghalin bilang bagong Ramon Revilla, o bagong Joseph Estrada?

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Art imitates life ang nangyari sa set ng pelikulang Virgo 86 ng Imus Films.

Economics at laki ng budget ang karaniwang naghi-hinder sa mga producer na gumawa ng action films dahil mahal naman talaga ang mga car chase scenes, mga sasakyang sinisira, at mga putok-putok, di ba?

Anyway, sa action genre, usually ang temang good triumphs over evil ang ibinabandera. Sana ganyan din ang nangyayari sa ating lipunan sa huli.

At ingat tayo sa “tokhang.”

Read Next
Read More Stories About
Joey Marquez, PEP Alerts
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results