Mark Bautista, tiyak ang pagsipot sa concert ni Joanna Ampil

Feb 13, 2018

NOEL FERRER: Nabahala ang ilang followers sa IG stories ni Mark Bautista at nagti-text sa akin kung bakit paalis daw ba siya ng bansa?

Baka raw hindi siya tumuloy sa Valentine at 25th anniversary show ng kanyang kaibigang si Joanna Ampil sa BGC Arts Center.

Actually, pati kami ay kinabahan din kasi may rehearsals ngayon ng production numbers nila.

Pero may option din si Mark na bukas na lang mag-rehearse dahil he knows his songs by heart at yung spot number niya, siya mismo ang nagbigay.

Buti na lang ay agad nag-text sa amin si Mark na ang sabi’y, “May GenSan lang ako tonight, Kuya Noel. See u tomorrow.”

Maging ang kanyang Viva Artist Agency manager na si Veronique del Rosario-Corpus ay tumawag sa amin at in-assure kaming darating si Mark bukas sa concert ni Joanna, which is his first public appearance dito sa Manila pagkatapos lumabas ang kanyang libro.

Continue reading below ↓

So that puts to rest all the speculations na hindi niya pagsipot sa concert bukas.

And Mark has been known to be a professional all along kaya nasa Love Wins siya bukas; at abangan ang kanyang statement song na kakantahin sa Valentine concert na ito.


JERRY OLEA: Sana, dalawa ang katawan ko...

Continue reading below ↓

Dalawang Valentine concert ang gusto kong mapanood sa Ash Wednesday ng gabi, Pebrero 14—ang Ai ♥ U ni Ai Ai de las Alas sa Palacio de Maynila, at ang Love Wins ni Joanna Ampil sa BGC Arts Center.

Ewan kung may intimate hipuan o extreme landian si Mrs. Sibayan sa panauhin niyang si Piolo Pascual.

Guests naman ni Joanna sina Arman Ferrer, Joaquin Valdes, at Mark Bautista.

Inusisa namin ang disputed Queen of Messages na si Manay Lolit kung kaninong concert ang mas bet niya.

Mabilis ang sagot ni Manay Lolit, “Kay Mark, kasi talagang singer si Mark, di ba?! Si Piolo naman, hindi siya singer—known siya as actor.

“Saka titingnan ko, baka ibang korte ng mic ang gagamitin ni Mark...

“Huwag lang siyang magbi-BB (Gandanghari), ha?! Huwag siyang magdadamit-babae!”

GORGY RULA: Kinausap pala ni Mark si Joanna na nagwu-worry na baka makaapekto sa concert ni Joanna ang isyu tungkol sa librong inilabas ni Mark.

Continue reading below ↓

Kuwento pa ni Joanna, “I think, more than anything, nag-worry lang siya sa akin.

"He’s a true friend na, 'O, baka ma-affect yung show mo, kasi magkakaroon ng focus sa iba.'

“Sabi ko, ‘You know what, Mark, it doesn’t matter. At the end of the day, masaya ako na kasama kita sa concert.”

Mas nanaig sa kanya ang kanilang friendship, kaya kahit si Mark na raw ang pakay ng karamihan ng bumili ng tickets, okay na okay lang daw sa magaling na theater actress.

“He is my friend. I don’t mind,” pakli ni Joanna.

“I’m there to sing for the people who want to listen to me, and for the people who came to watch me sing.

“Kung may nandun para mag-abang kay Mark, okay din yun. That’s fine.

"At the end of the day we’re there to celebrate Valentines because our message is about love,” dagdag niyang pahayag.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Mark Bautista, Joanna Ampil
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results