Alden Richards, nag-sorry kay Pauleen Luna dahil sa pamba-bash ng AlDub fans

Feb 14, 2018

GORGY RULA: Nakatanggap ng text message si Pauleen Luna mula kay Alden Richards kaninang umaga, February 14.

Humihingi ng sorry si Alden sa ginagawang pamba-bash kay Pauleen ng ilang fans.

Ito pa rin yung isyung nagagalit daw ang ilang fans ni Maine Mendoza kay Pauleen dahil hindi ito close sa kanilang idol.

Pinabulaanan ito ni Pauleen, dahil okay raw sila ni Maine at pamilya ang turingan nilang mga Dabarkads sa Eat Bulaga.

May mahaba nga siyang paliwanag na ipinost sa Twitter.


Continue reading below ↓

Napikon na kasi si Pauleen dahil idinamay na raw ng ilang bashers si Vic Sotto at ang anak nilang si Baby Talitha.

Naawa rin si Pauleen kay Ryzza Mae Dizon na idinawit sa ilang malisyosong komento; yung ikinukumpara si Baby Tali kay Ryzza Mae.

Nilinaw uli ni Pauleen na hindi siya na nagagalit sa pagkumpara ng anak niya kay Ryzza Mae.

Malisyoso lang daw kasi ang pagka-post na may sad face pa at itina-tag pa ito sa child wonder ng Eat Bulaga.

Sabi ni Pauleen nang nakausap ng PEP Alerts kanina, “Si Ryzza actually ang kawawa.

"Hindi nila ma-grasp yung konsepto na parang… huwag niyong ikumpara kay Ryzza kasi ang pagkumpara sa kanya, masama. May malisya talaga.

“Maawa naman kayo dun sa bata. More on kay Ryzza, eh… yung may sad face pa tapos tina-tag pa siya. Kawawa naman.”

Alam naman ni Pauleen na walang kinalaman diyan sina Alden at Maine, at na-appreciate naman daw niya ang pagsu-sorry ni Alden dahil nadadamay ang dalawang bata.

Continue reading below ↓

Pinaimbestiga na nga ni Pauleen ang nagmamay-ari ng account na namba-bash sa kanya, pero na-deactivate na raw nito.

Ayaw lang daw niyang palagpasin pa ito dahil idinamay na ang anak niya, pati si Ryzza Mae.

JERRY OLEA: Fans ni Maine ang nam-bash kay Pauleen, pero si Alden ang nag-sorry kay Mrs. Sotto.

Ang bait ni Alden, ‘no?!

In fairness to Maine, noon pa niya pinagsabihan ang kanyang fans na magpaka-good vibes na lang at iwas-bash pag may time.

Tampalasan ang mga pasaway at hihitad-hitad na tagahanga!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results