John Lloyd at Ellen, nagpakasal na? Sinong showbiz couple ang susunod?

Feb 16, 2018

NOEL FERRER: Ikinasal nga ba kahapon, February 15—very auspicious dahil bisperas ng Chinese New Year—sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna?

Sila nga ba ang tinutukoy sa blind item na showbiz couple na biglaang ikinasal sa isang simbahan?

Kahit na may isang nasulat din na sa April 2, birthday mismo ni Ellen, magaganap ang kasalan dahil mahilig daw diumano ang sexy star sa malaking birthday celebration, at baka ito na raw ang sinasabi ng kaibigan mismo ni Ellen.


Continue reading below ↓

Pero kung hanggang speculation pa lang ito, may scoop tayo na sa PEP ALERTS niyo unang malalaman.

Pagkatapos ng Chinese New Year Celebration ngayon, may magaganap na magandang pamamanhikan this weekend na magbubuklod ng dalawang pamilyang ikatutuwa ng lahat!

Basta, una ninyong narinig ang balitang ito dito lang sa inyong source of level up showbiz news na PEP ALERTS Squad!!!

JERRY OLEA: Kung nag-isang dibdib ang sikat na aktor at seksing aktres kahapon ng umaga, heto ang hanash ng Queen of Messages na si Lolit Solis:

“Congratulations sa dalawang tao na walang paki sa mundo!

“Di ba, personal commitment mo na unahin ang ligaya ng sarili mo?

“So, keber sa lahat ng nakikialam sa buhay nila, basta happy silang dalawa, walang pakialam ang lahat, lalo na si Lolit Solis hah hah hah”

GORGY RULA: Ang daya ni Sir Noel. Ayaw niya talagang i-share kung sino itong showbiz couple na ito.

Continue reading below ↓

Nangako kasi siya sa pamilya na walang makakalusot sa press, kaya kahit sa amin ay ipinagkait niya ang buong impormasyon.

Basta marami raw ang matutuwa sa pagsasama ng dalawang pamilya, dahil matagal na rin namang hinihintay ito.

Basta maganda raw ang pasok ng 2018 sa pamilyang ito, dahil eto na nga, darating na ang isa pinakamagandang bahagi ng kanilang buhay.

Kaya guessing game na lang kami ngayon!

Ang duda ko, sina Zsa Zsa Padilla and Architect Conrad Onglao.

Hula naman ni Jerry, sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

Kayo? Sino ang hula ninyo?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results