Aljur Abrenica, namanhikan na sa ama ni Kylie na si Robin Padilla

Feb 17, 2018

NOEL FERRER: Naganap na ang pamamanhikan ng pamilya ng isang aktor sa pamilya ng isang aktres kagabi.

At ang naturang aktor ay si Ajur Abrenica at ang aktres ay si Kylie Padilla.

Magkaiba man ang direksiyon ng kanilang mga tahanan—taga-North ang pamilya ni Aljur, taga-South naman sina Kylie—ay nagkita pa rin sila sa tamang panahong inayos ng Diyos sa Parañaque.

Intindihin na lang nating dapat sa mismong magkasintahan manggaling ang kumpirmasyon, kaya nang mismong si Aljur na ang nag-post sa kanyang IG account saka natin isinulat.

Ang maganda nating tukuyin dito ay ang magandang aral mula sa pamamanhikang ito, kasama na ang realisasyon na:

1. Ang magulang ay magulang. Hihintayin ka nito at magbubukas ito ng pinto para sa iyo anuman ang mangyari.

2. Kapag ang anak na ang nag-reach out at hinaharap ang lahat ng may responsibildad at pagmamahal, magiging mas madali ang pagsasaayos ng mga bagay-bagay, lalo pa’t ang mga nakapaligid ay kabutihan lang ng couple ang hangad; at

Continue reading below ↓

3. Iba pa rin kung ihu-honor ang tradisyon ng Pilipino na puntahan sa bahay ang babae at pormal na ipaalam sa mga magulang.

“Answered prayer” ang naturang pamanhikan, ayon mismo sa Father of the (would-be) Bride na si Robin Padilla.  

All is well sa pamilyang ito. At pinaplano na ang mga detalye ng kanilang magiging kasalan.

Tiyak na ikatutuwa at ikahihinga ito nang maluwag ng lahat, lalo na ng isang taong malapit sa magkarelasyon.

Muli hayaan natin ang couple ang maglahad ng mga detalye. Let’s just be inspired sa lahat ng leksyon na puwede nating makuha mula sa kanilang pagsasama.

Masaya kami para sa inyo, Aljur at Kylie!


Continue reading below ↓

GORGY RULA: Iyun naman talaga ang hinihintay ni Robin, ang paglapit ni Aljur sa kanya. Kaya ang susunod nating abangan ay kasalan na.

Ibig sabihin ba nito, malabo pang makabalik si Kylie sa pag-aartista? Mukhang focused na ba siya sa pagiging Mrs. Abrenica?

JERRY OLEA: “Ang bawa’t sandali ng pag-ibig ay kayamanan kaya’t ang bawat pagkakataon ay pagyamanin dahil wala sa kapangyarihan, salapi, kasikatan, o antas sa kabuhayan ang kaligayahan ng puso kundi nasa kanlungan ng pag-ibig...”

Iyan ang mensahe ni Robin noong Araw ng mga Puso.

Bravo!

Nagpakalalaking totoo si Aljur at humarap sa ama ng kanyang giliw.

Mas tigasin pa kay Machete ang dating ni Aljur, huh?!

Saan kaya ikakasal sina Aljur at Kylie?

May papel kaya ang anak nilang si Alas sa kanilang pag-iisang dibdib?

Itataon ba nila ang kasal sa Agosto 4 na kaarawan ni Alas?

Masyadong maaga kung Marso 24 na bday ni Aljur, at masyadong matagal kung Enero 25 na birthday ni Kylie.

Continue reading below ↓

Siyempre pa, aabangan din natin kung may eksena ang mother of the bride na si Liezl Sicangco.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results