Iza Calzado, inalam ang kalagayan ni Mark Bautista pagkatapos lumabas ang libro nito

Feb 19, 2018

JERRY OLEA: Tabla sina Joanna Ampil (Ang Larawan) at Pia Wurtzbach (Gandarrapido: The Revenger Squad) bilang best new movie actress sa 34th Star Awards for Movies sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila, kagabi, February 18.

Waley si Pia, to think na first acting award niya ito!

Sa MMFF 2017, best actress si Joanna para sa Ang Larawan (na best picture, pero sinasabing kulelat sa takilya).

Si Pia ay hindi nominado sa MMFF, pero ang debut movie niyang Gandarrapido ay super-mega-duper blockbuster kesehodang basura sa mga pihikang moviegoer.

Nominado rin si Joanna sa kategoryang best movie actress.

Tabla rin sina McCoy de Leon (Instalado) at Mateo San Juan (Magkadugo) bilang best new movie actor, at sina Marco Masa (Tatlong Bibe) & Julio Cesar Sabenorio (Guerrero) bilang best movie child performer.

Opo, tabla rin sina Kim Chiu & Joyce Peñas Pilarsky bilang female stars of the night.

Continue reading below ↓

Ang male star of the night ay si Xian Lim, na bilang isa sa hosts/presenters ay nag-promote ng movie niyang Sin Island.

Ang tawag ni Julia Barretto kay Xian ay Tito o Kuya Xian.

Ang Male Face of the Night ay si Joshua Garcia, at ang Female Face of the Night ay si Celeste Legaspi.

Darling of the Press si Harlene Bautista, na 30 taon nang malapit sa puso ang movie reporters.
Keribels niya ang pagiging Lifetime Darling of the Press.

Pinagkalooban ng special awards sina Gina Alajar (Nora Aunor Ulirang Artista) at Direk Tikoy Aguiluz (Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera).

Si Marya Ignacio ang best movie editor para sa Kita Kita, at siya rin ang best indie movie editor para sa Changing Partners.

Best movie musical scorer si Maestro Ryan Cayabyab (Ang Larawan), at best indie movie musical scorer si Vincent de Jesus (Changing Partners).

Best movie cinematographer si Odyssey Flores (Siargao), at best indie movie cinematographer si Mycko David (Birdshot).

Continue reading below ↓

Best movie production designer ang tandem nina Benjamin Tabero & Carlo Tabije (Siargao), at best indie movie production designer si Michael Español (Birdshot).

Best movie sound engineer si Albert Michael Idioma (The Ghost Bride), at best indie movie sound engineer si Mikko Quizon (Bliss).

Best movie original theme song ang "Natapos Tayo" (All Of You), at best indie movie original theme song ang "Respeto" (Respeto).

NOEL FERRER: Oblivious sa nagaganap sa stage, masaya rin ang eksena sa backstage.

Saksi kami sa sweet moments nina Kim Chiu at Xian Lim kahit na madalas na sa magkaibang sides ng stage sila nanggagaling.

Malapit si Iza kay Julia Barretto dahil sa bonding nila sa A Love To Last kaya nang manalo sila ni Joshua bilang love team of the year ay hindi napigilan ni Iza na sabihing, “Paborito ko itong dalawang ito.”

Magkakasama silang tatlo sa susunod na teleserye project nila sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Ngunit ang riot na punchlines ay galing sa mag-ninang na sina Iza at Juday.

Nagbigay-pugay at nanatili si Iza sa dressing room ni Juday.


Si Iza, bilang Juday-Piolo fan, ay nasabing may junior counterparts na sila kina Iñigo Pascual at Maris Racal.

Kaya laking ngiti ni Iza nang makunan namin sa backstage sina Juday at Maris.

Continue reading below ↓


Si Iza naman talagang concerned kay Mark Bautista.

Magkaibigan itong dalawang ito lalo pa’t silang dalawa ni Heart Evangelista ang “crush” ni Mark noong nasa GMA-7 pa ang singer.

Noong lumabas ang libro, talagang humanap ng paraan si Iza para alamin ang kalagayan ni Mark at kung okay ito, na labis namang ikinatuwa ng kontrobersiyal na singer-actor.

Continue reading below ↓


Ang biro naman ni Iza, nagawa ni Mark ang di niya nagawa!

Ang pagsulat ba ng libro ang nais niyang tukuyin?

Malaking tawa lang ang pinakawalan ng 34th PMPC Best Actress.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results