Angeline Quinto, napag-iwanan na ba nina KZ, Jona, at Moira?

Feb 19, 2018

JERRY OLEA: Pa-La Ocean Deep na ba si Angeline Quinto?

Napag-iiwanan na ba siya nina Jona, KZ Tandingan, at Moira de la Torre?

Si Jona ang kumanta ng theme song ng mga Kapamilya teleseryeng "Pusong Ligaw," "Asintado," at "Sana Dalawa Ang Puso."

Si KZ ang kumanta ng theme song ng mga pelikulang Sin Island at The Significant Other, na parehong released by Star Cinema.

Payanig si KZ sa Singer 2018 ng China.

Matagumpay ang debut concert ni Moira de la Torre na Tagpuan nitong nakaraang weekend sa Kia Theater.

Winner ang kanta niyang "Titibo-tibo," at umariba ang awit niyang "Malaya" na theme song ng pelikulang Camp Sawi na noon pa ipinalabas.

“Moira is not just a singer. She’s an artist!” bulalas ni Vice Ganda ngayong Lunes, Pebrero 19, sa It’s Showtime.

Si Moira ang bagong paborito ni Vice.

Si Angeline, akting-aktingan sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Continue reading below ↓

Harinawa’y makatulong iyon sa kanyang singing career.


NOEL FERRER: Napanood ko si Angeline sa ASAP kahapon, February 18, okay pa rin naman ang boses niya.

But I guess, authenticity and uniqueness is the name of the game now.

I mean, kung sina Moira at KZ ay may distinct sound, Angeline should find her voice—different from the existing biriteras of her league.

Continue reading below ↓

Also, medyo she should veer away na sa pagre-refer sa love team nila ni Erik Santos.

Kasi, nagtunog-pilit ang kanyang parunggit kay Erik tungkol sa hindi pagtuluy-tuloy ng kanilang sinimulang ligawang kuning-kuning.

GORGY RULA: Hindi naman nakikipagkumpitensiya si Angeline sa kanila. Narating na niya ang ini-enjoy ngayon nina KZ, Jona, at Moira.

Pana-panahon lang 'yan, pero nandiyan pa rin si Angeline.

Kung walang bago tayong aabangan kay Angeline, siguro panahon na ring i-reinvent niya ang sarili.

Magaling pa naman siya at napakatotoo pa niyang kausap.

Saka siguro kailangan nang ipahinga ang isyung inili-link sila ni Erik.

Dapat ma-link na si Angeline sa iba, at manatiling friends na lang sila ni Erik.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results