Sexy actress, may reputasyong pumipitik ng cellphone

Feb 19, 2018

GORGY RULA: May pinapakinggan kaming usapan ng coño boys na madalas gumigimik sa ilang sikat na bars dito sa atin.

Pinag-uusapan nila ang isang sexy actress na matagal na pala nilang kilala, gamit pa ang dati nitong screen name.

Nung nagsisimula pa lang daw si sexy actress sa pag-aartista, nakikita na raw nila ito sa ilang bars at ilang gimikan.

Ang drama raw nito, nakikipagtsikahan sa ilang guwapo at mayamang boylet para makalibre ng inom.

At kung magkakasundo, diretso na sa booking.

Minsan nga sa CR lang nairaraos na, okay na!

Ang galing pa raw magdrama na kesyo depressed siya, may financial problems, walang pambayad sa condo rentalm at kung anik-anik.

Dagdag na kuwento sa amin ng isang madatung na boylet, may karanasan daw ang kaibigan niya rito kay sexy actress.

Mayaman din at guwapo itong si boylet na kaibigan ng nagkuwento sa amin.

Minsan daw sa isang malaking event sa isang lungsod sa Kabisayaan, nagkita itong si mayaman at guwapong boylet at si sexy actress.

Continue reading below ↓

Tsikahan, inuman, dance, dance sa isang bar doon.

At nung medyo ngenge na sila, natuloy sila sa hotel na tinutuluyan ni mayaman at guwapong boylet.

May nangyari sa kanilang dalawa.

Nag-enjoy si boylet, ganundin si sexy actress na kumita pa.

Pagkaalis ni sexy actress, hinahanap ni boylet ang cellphone niya. Hindi na niya makita. Nawala na.

Ayaw raw niyang sabihing ginetlak ni sexy actress, dahil hindi naman siya sigurado.

Baka naman nawala niya somewhere nung nalasing-lasing siya.

Kaya lang, naikuwento niya sa ilang close friends at napapag-usapan sa kanilang grupo na tila ibinibintang kay sexy actress ang pagkawala ng cellphone.

Kaya tuloy, kapag nababanggit itong si sexy actress sa usapan, may image na siyang pumipitik ng cellphone.

JERRY OLEA: She’s a woman of some experience indeed.

Siguradong lulutang pa ang mga makukulay na tsika kay sexy actress, sangkot ang mga yayamanin at may-edad na lalaki.

Sa estado ngayon ni aktres ay hindi na niya kailangang pumitik ng cellphone.

Continue reading below ↓

Keribels na niyang magregalo ng state-of-the-art gadget sa boylet na bet niya!

NOEL FERRER: She seems to have gone around really.

And based on her publicity, she seems to be heading towards sa pagiging palaban.

But she is the same starlet na habang nagkakakaway nang ipakilala siya sa isang movie premiere, at nang makita na lang namin ni Congressman Lucy Torres-Gomez ay napaupo na siya at nawala sa frame dahil lumusot sa naka-fold niyang upuan sa sinehan.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results