Kapuso hunks Dingdong Dantes, Mikael Daez, at Benjamin Alves patok sa mga Thai

Feb 20, 2018

GORGY RULA: Mainit ang pagtanggap ng mga Thai national at mga Pinoy sa Kapuso actors na sina Dingdong Dantes, Benjamin Alves, at Mikael Daez na dumalo sa malaking event ng JKN Global Media, Inc., na tinawag nilang "Have a Bright Day."

Ginanap ito sa Centara Grand ng Central World sa Bangkok, Thailand, kaninang umaga, February 20.

Doon ini-launch ang ilang drama series ng GMA-7 na ipalalabas sa naturang bansa.


Continue reading below ↓

Ilan sa mga ito ay ang Ang Dalawang Mrs. Real na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes, ang My Faithful Husband kung saan tampok si Mikael Daez, at Beautiful Strangers ni Benjamin Alves.

Sa susunod na buwan ipalalabas sa Thailand ang Ang Dalawang Mrs. Real, na nai-dub sa Thai at ginawang The Other Mrs. Real ang title.


Continue reading below ↓

Kaya nag-promote doon si Dingdong, kasama na rin sina Mikael at Benjamin.



Continue reading below ↓

Wagi raw ang kaguwapuhan ng tatlong Kapuso actors na pinagkaguluhan ng mga tagaroon at mga kababayan na rin natin.

Ang tatlong drama series ng GMA-7 ay ilan lamang sa mga ipalalabas doon ng JKN Global Media, Inc. Bahagi ito ng partnership ng Kapuso network sa naturang kumpanya.

Bukod sa tatlong seryeng nabanggit, nakatakda na ring ipalabas doon ang iba pang teleserye ng GMA-7, gaya ng Destiny Rose, Once Upon a Kiss, Carmela, at My Husband’s Lover.

JERRY OLEA: Bet ng mga Thai ang kakisigan ng mga Pinoy noon pa man.

I remember, bago pa man ipalabas ang Meteor Garden sa Pilipinas, ang daming nagpa-picture noon kay Antonio Aquitania na nakasama namin sa pagbabakasyon sa Bangkok (courtesy of Tito Dougs Quijano).

Hawig kasi noon si Antonio kay Jerry Yan ng F4!

Teka! Sa Thailand din ba pinagkaguluhan noon si Tim Yap nang mapagkamalan itong si Psy, ang South Korean singer na nagpasikat ng "Gangnam Style"?

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Filipino artists going international!

Sana mas marami pang opportunities para sa mga artista at producers natin to reach a bigger market and wider audience.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results