Sikat na Pinoy bands, magpapasiklab sa Rakrakan Festival 2018

Feb 20, 2018

GORGY RULA: 120 Artists, 6 stages in 1 big event ang abangan sa pinakamalaking rock concert, ang Rakrakan Festival 2018: Pinoy Muna.

Gaganapin ito sa Aseana City, Parañaque City, sa Sabado, February 24.

Ang anim na entablado kung saan magpi-perform ang rock artists ay tinawag nilang Move Stage, Mosh Stage, Tropa Center Stage, Indie Stage, Slam Stage, at Groove Stage.


Continue reading below ↓

Bahagi pa rin ng napakalaking rock festival na ito ang street art and skateboarding competition, tastier food selections, all-indie merchandise bazaar, henna, face painting and tattoo exhibits, carnival rides, at games.

Inaasahan nilang mahigitan nito ang matagumpay ding Rakrakan festival nung nakaraang taon, kung saan special guest nila si General Bato dela Rosa na kumanta sa naturang event.

Hindi lang naman daw ito rock lang kundi kahit anong genre ng mga awitin ay pasok sa naturang festival.

Ilan sa mga artist na magpi-perform dito ay sina Ely Buendia, Gloc-9, Brownman Revival, Mayonnaise, Freestyle, Spongecola, at marami pa.


Continue reading below ↓


Sabi ni Monty Macalino ng bandang Mayonnaise, “It’s always exciting for us sa grupo namin na makasama rito.

"Kasi parang affirmation na rin ng paghihirap at pagtugtog namin gabi-gabi na masama kami rito sa isang event, gaya nitong Rakrakan Festival.

“Itong Rakrakan Festival ay isa lang din sa mga paraan para ma-share namin yung talento namin.

"Wala tayong talo sa kanila. Hindi lang rock, kahit anong genre, nandun."

Dagdag na pahayag naman ni Eunice Jorge ng bandang Gracenote, “It’s a great venue for every musician, for every band…

"Para siyang reunion sa aming lahat kasi ang daming stages. It’s gonna be fun."


Continue reading below ↓

Inaasahan nilang may bubulaga na naman para magpasiklab, kagaya nang ginawa ni General Bato nung 2017.

JERRY OLEA: Sa enthusiasts ng rock music, dapat silang dumalo sa Rakrakan Festival 2018: Pinoy Muna sa Sabado sa Aseana City Concert Grounds.

Pambansang Muziklaban!

Pero sa mahihilig sa bulaklak, susugod sila this weekend sa Baguio City kaugnay sa 23rd Panagbenga Festival.

Sa Sabado, Pebrero 24, 8:00 AM, ang Grand Street Dance Parade.

Mag-uumpisa ito sa Panagbenga Park, at dadaan sa Magsaysay Avenue, Session Road, and Harrison Road, at magtatapos sa Baguio Athletic Bowl.

Sa Linggo ng 8 AM, Pebrero 25, ang Grand Float Parade.

Magsisimula ito sa DILG, at dadaan sa Session Road & Harrison Road patungo sa Melvin Jones Football Grounds.

Month-long ang Panagbenga 2018: Celebration of Culture and Creativity.

Nag-opening ceremonies ang pagdiriwang noong Pebrero 1 ng umaga, at magwawakas sa Marso 4 ng gabi sa pamamagitan ng Grand Fireworks Display sa 5 stations sa lungsod.


Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Go RakRakan Na!

Mahaba-habang RakRakan ito that might be ushering the HOT SUMMER PARTY!!!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results