Snooky Serna, type maging first lady ng Bulacan

Feb 21, 2018

JERRY OLEA: “Hindi na siya pagong... panther na siya!”

Patungkol iyan ni Direk Joel Lamangan kay Snooky Serna, na 5 PM pa lang kahapon, Martes, Pebrero 20, ay nasa Trinoma na para sa premiere ng pelikulang The Significant Other.

Applauded ang eksena ng talakan nina Snooky at Dina Bonnevie, ganoon din ang hugot ni Snooky kay Erich Gonzales na gumanap bilang anak niya.

Pero ang most applauded siyempre ay ang patutsadahan nina Erich at Lovi Poe matapos magkabukingan sa fashion show.

Bet na bet din ng fans ang breakdown scene ni Lovi nang madiskubre ang pagtataksil ng mister, na ginampanan ni Tom Rodriguez.

Wish ko lang na sana, sina Dina at Erich ang gumanap na mag-ina.

Si Dina ay inilunsad ng Regal Films sa pelikulang Katorse, samantalang si Erich ang nagbida sa TV version nito sa ABS-CBN.

Sariwa ang alindog dito ni Erich bilang probinsiyanang nangarap maging modelo, at fresh pa rin siya mula sa tagumpay ng MMFF 2017 entry na Siargao.

Continue reading below ↓

R-13 ang rating ng pelikula, at torrid ang pakikipaglaplapan nina Erich at Lovi kay Tom.


NOEL FERRER: Sa dami ng anggulo ng publicity ng The Significant Other, na showing na ngayon, at hindi lang ang stars kundi pati na ang mga direktor ay tumutulong sa pagpu-promote ng pelikula, hangad kong kumita nang husto ang pelikula nang ma-encourage pa ang producer ito na gumawa ng mga pelikulang kakaiba at tatangkilikin ng nakararami.

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Alam niyo, inspired ngayon si Snooky Serna, kasi in love nga!

Hindi naman niya itinatanggi ang relasyon niya kay dating Bulacan Vice Governor Ramon Valderrama.


Sabi ng aktres, umaasa siyang malagay na sila sa tahimik, at nakikita raw niya ang sarili na maging public servant’s wife.

Continue reading below ↓

Sabi ni Snooky, “I see myself as a public servant’s wife.

“Iba kasi sa akin ang connotation ng politician, eh.

“For me, Ramon is a public servant in Bulacan, during his term, and I think if God will will it na sa susunod na magkakaroon ng chance na pagsilbihan ang kanyang mga constituents, I would love to be a part of serving his kababayans ni Bulacan.”

Sayang nga, kung kasama lang ni Snooky si Ramon sa premiere night ng The Significant Other kagabi, sana back to back sila ni Dina Bonnevie na sinamahan ng dyowa niyang si Ilocos Sur 1st district Representative DV Savellano.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results