Battle of the millennial barkada movies: Walwal boys ng Regal vs FBois ng Viva

Feb 21, 2018

JERRY OLEA: Nag-storycon at look test sina Elmo Magalona, Donny Pangilinan, Jerome Ponce, at Kiko Estrada noong Martes, Pebrero 20, para sa Walwal ng Regal Films.

Millennial version ito ng pelikulang Pare Ko (1994) na ididirek ni Jose Javier Reyes.

Ang apat na guwaping ay pawang dugong-artista.


Continue reading below ↓

Inilunsad naman ng Viva Films ang #FBOIS—sina Julian Trono (#Flyboi), Vitto Marquez (#Fitboi), Andrew Muhlach (#Funnyboi), Jack Reid (#FastBoi), at Dan Huschka (#Funkyboi)—nitong Miyerkules ng hapon, Pebrero 21, sa La Reve, Sgt. Esguerra Avenue, QC.


Natapos na nila ang shooting ng barkada movie na Squad Goals, sa direksyon ni Mark Meily.

Continue reading below ↓

Katambal pa rin dito ni Julian si Ella Cruz.

Si Vitto ay member din ng Hashtags. Anak siya nina Alma Moreno at Joey Marquez.

Naunahan pa niyang magkaroon ng launching movie ang sister na si Winwyn Marquez.

Si Andrew ay kapatid ni Aga Muhlach, samantalang si Jack ay kapatid ni James Reid.

Ang Fil-German na si Dan ay kasali noon sa boy group na Sugar High.

Sabi ni Direk Mark, “I can imagine, sa future nilang lima, a different path each. Some would be serious actors.

“Some would be matinee idols. Yung magaling mag-host... Some are very good in music.

“Lahat sila, may kani-kanyang skill pagdating sa being performers. Ahh... so, I wish that they’ll be very successful after this movie.

“Iba-iba yung ano nila, eh. Iba-iba yung specialty nila. Kaya rin naman, I think, makikita sa movie, walang magkapareho.

“Walang umuulit na karakter.”

Continue reading below ↓

Magsisimula ang movie tour ng #FBOIS sa Sabado (Pebrero 24) sa SM City Bacoor.

GORGY RULA: Mas bet ko ang mga Regal boys. Star material silang lahat.

Kay Donny Pangilinan pa lang, taob na silang lahat.

NOEL FERRER: Sana with the release of these teen movies, may bago na namang susuportahan ang mga kabataan ngayong mga pelikulang sumasalamin ng kanilang concerns, attitude, mindset, at paniniwala at saloobin na bunga ng kanilang panahon at ang nagbabagong lipunang kanilang ginagalawan.

Parehong guro ng College of St. Benilde ang mga director na sina Mark Meily at Jose Javier Reyes, at mula pa lang sa kanilang mga estudyante, marami nang kuwentong kapupulutan ng interes at aral.

Move over Bagets (Maryo J delos Reyes) at Pare Ko (Joey Reyes) at ang humahabol na Cool Dudes (ni Ruel Bayani), enter frame na ang mga Millennial Barkada Movies.

Read Next
Read More Stories About
Walwal, F#*@bois
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results