Direk Brillante Mendoza, satisfied sa pakikipagtrabaho kay Judy Ann Santos

Feb 22, 2018

JERRY OLEA: “Mabuti naman at napakasaya.”

Iyan ang matamang sambit ng multi awarded-director na si Brillante Mendoza nang kumustahin namin sa kanya ang pakikipagtrabaho kay Judy Ann Santos sa pelikulang Bayang Magiliw.

Nakausap namin si Direk Brillante kahapon, Pebrero 21, matapos ang open forum sa paglulunsad ng Sinag Maynila 2018 filmfest sa The Block, SM North EDSA.

Dugtong ni Direk Brillante, “Napakasaya ng collaboration namin. I’m sure, siya, masayang-masaya rin. Kasi, sobrang involved siya sa production.

“Para ngang hindi siya major actor. Para siyang katulad lang namin na... alam mo yun?”


Continue reading below ↓

Judy Ann Santos & Allen Dizon

Wala pang schedule kung kailan ipapalabas ang Bayang Magiliw.

Ine-edit pa kasi ang pelikula niyang The Right To Kill, kung saan may minor role si Baron Geisler.

Maayos ang pakikipagtrabaho sa kanya ni Baron.

“Wala naman kaming nagiging problema ni Baron eversince,” pakli ni Direk Brillante.

“Alam mo, pagdating sa set... lalo na pag nagkakatrabaho kami, napakaano ng batang ‘yan.”

Maraming artista at direktor ang ayaw nang makatrabaho si Baron.

“Oo nga, eh,” pagbuntong-hininga ni Direk Brillante.

“Ahh, sayang naman. Sayang naman ‘yung talent, ‘no? Sana naman, bigyan din siya ng chance kahit papaano.

“I’m sure, natuto naman siya kung ano ang mga nagawa niya. So... yun.”

Si Direk Brillante ang festival director ng 4th Sinag Maynila festival, na ang tema ay “Sine Lokal, Pang-internasyonal.”


Continue reading below ↓

Ang limang full-leng finalists dito ay ang Abomination (Yam Laranas), Bomba (Ralston Jover), El Peste (Richard Somes), Melodrama/Random/Melbourne (Matthew Victor Pastor) at Tale of the Lost Boys (Joselito Altarejos).

Gaganapin ito sa Marso 7-15 sa SM MoA, SM Megamall, SM North EDSA, SM Fairview, SM Southmall, SM Bacoor, SM Manila, at SM Sta. Mesa.

NOEL FERRER: Lahat tayo ay excited sa pelikula ni Juday na Bayang Magiliw under Direk Brillante Mendoza.

Sana nga mag-premiere ito sa isa na namang prestihiyosong international film festival, at kung puwede nga, bongga kung ito ang magiging opening film ng Sinag Maynila film festival.

Suportahan natin ang mga pelikulang lahok dito, at mabuhay ang mga napakatiyaga at nagmamalasakit na tagapagtaguyod nito!!!

JERRY OLEA: Napapanahon ang pelikulang Bayang Magiliw, kung saan magkatambal sa unang pagkakataon sina Juday at Allen Dizon.

“Timely siya. Tungkol ito sa isang Muslim na sundalo, may pamilyang Muslim, at may anak sila na may kanser,” lahad ni Direk Brillante.

Continue reading below ↓

“Tinatalakay nito ang kuwento ng dalawang kanser. Iyong natural cancer, at iyong unnatural cancer which is iyong problema, iyong conflict sa ating bansa.”

May social statement ang kanyang mga pelikula. Kritikal ba ang mga ito sa present government?

“Hindi naman necessarily with the present government,” malumanay pa ring tugon ni Direk Brillante.

“I think, to any institution, or issue, more than anything else.

“Hindi kailangan ang government. Hindi kailangan ang administration, kundi certain issues.

“Maraming puwedeng ikuwento at pag-usapan. Tayo namang lahat, nakaranas ng mga problema, ng mga bagay na hindi tayo sang-ayon, ‘no?

“Kailangan lang mai-bring up ito sa labas, in the open, through our films, our stories para magkaroon din tayo ng awareness.

“Kasi, ang pelikula naman, generally is to entertain.

“Eh, marami naman tayong mga films na talagang make us entertained, ‘no? ‘Yung mga Hollywood films, mga mainstream.

“Andami niyan, left and right ‘yan. Every week ‘yan, na talagang well promoted.

Continue reading below ↓

“Iyong mga ganitong pelikulang ginagawa namin, we don’t have that ano... parang, ahhmm... ganung klaseng kalaking budget to promote our films, ‘no?

“So, nali-limit. Takam, eh!

“We’d rather concentrate on stories na focused sa social issues, na naa-address ang concerns ng mga mamamayang Pilipino.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results