Binatang anak nina Joey Marquez at Alma Moreno, nagpa-practice ng safe sex

Feb 22, 2018

JERRY OLEA: Hindi malinaw kay Vitto Marquez kung sino ang dalawang kasamahan niya sa Hashtags na usap-usapang nakabuntis.

“Hindi ko sila tinatanong. Ayokong makialam,” pakli ni Vitto nang makausap namin kahapon, Pebrero 21, sa La Reve Events Place, QC, kung saan isa siya sa members ng grupong #FBois na inilunsas ng Viva Films.

Para kay Vitto, yung ganung isyu doesn’t matter.

Dagdag ng 22-anyos na anak nina Alma Moreno at Joey Marquez, “They’re my friends, and as a friend, susuportahan ko sila kung saan sila masaya.”


Continue reading below ↓

Masasangkot din kaya sa usaping buntisan?

“Sana po, hindi!” mabilis na bulalas ni Vitto.

So, nag-iingat siya?

“Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Siyempre, safe po tayo dapat. Sabi nga ng tatay ko, career muna!”

Nagpa-practice siya ng safe sex?

“Of course,” sambit agad ng binata.

“I mean, everyone should be. Every one should be and para ano rin, risk-free.”

Pinapayuhan ba siya ng kanyang ama kaugnay sa safe sex?

“Ahhh, ang payo niya sa akin is career muna. Before everything, pag-aaral and career.”

Pinagsabihan ba siya ng ama na magbaon ng proteksiyon sa wallet, para any moment ay protektado siya?

“For now po, it’s been a long time. Actually, umiiwas po ako. Umiiwas po ako,” seryosong sambit ni Vitto.

“Kasi, one of the big factors is, naka-focus po ako sa career ko. And gusto kong maipakita na kung kaya ng tatay ko, kaya ko rin.”

Kaya rin niyang maging chickboy?!

Continue reading below ↓

“Actually, maraming nagtatanong sa akin, lalo na’t Junior ako... gusto ko lang pong sabihin, nagiging ganun po ang tingin ng mga tao dahil sobrang bait po na tatay ko.”

May kasabihan na like father, like son...

Napangiti muli ang binata, “May sinasabi po tayo, yung mga apprentice po, yung tinuturuan ng mga master, ay natututo nang mas maayos.

“Kasi, alam nila yung pinagdaanan ng master nila.

“So, iiwasan po natin yun.”

GORGY RULA: Hindi ko kasi ganun kakilala si Vitto.

Pero cute at may charm naman ang bagets na nakuha sa mommy at daddy niya.

Tila nakuha naman niya ang katalinuhan ng daddy niya, at sana makuha niya ang pagiging ma-PR at kababaan ng loob meron ang mommy niya.

Sabi kasi ni Joey Marquez, yun lang talaga ang gusto niya sa mga anak niya, na makapagtapos ng pag-aaral.

As much as possible, huwag nang pasukin ang pulitika.

Kung pag-aartista ang hilig, nandun ang suporta niya.

Continue reading below ↓

Kaya ewan ko lang kung magkakainteres din ba si Vitto sa pulitika.

Teka, bakit ba hanggang ngayon hindi pa rin nalantad kung sino ang dalawang Hashtags members na nakabuntis?

Magaling lang ba talaga magprotekta ang ABS-CBN o hindi naman talaga interesado ang mga tao?

Matagal na itong naba-blind item, hindi pa rin matukuy-tukoy kung sino.

Sobrang protektado ba ang Hashtags kaya hindi napapag-usapan kung sino ang kuwestiyonable ang pagkakalaki, kung sino ang dyowa ng maimpluwensiyang bading, o kung sino ang sinasabing pa-booking? Hmmmm….

NOEL FERRER: Like father, like son? It doesn’t necessarily follow.

Vitto still has a long way to go, para rin yang kapatid niya na si Winwyn na hanggang ngayon ay hinihintay kung magre-renew bilang Kapuso.

Speaking of the Hashtags, hindi mapagkakailang sikat naman sila talaga, perk after several years of existence, kailangan na silang makilala hindi lang sa kanilang looks kundi sa kakaibang talent na—either as individuals or groups.

Continue reading below ↓

Sana hindi sila makilala sa mga buntisan at pa-booking issues, di ba?

Read Next
Read More Stories About
vitto marquez, Hashtags, nsfw
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results