Aga Muhlach at Janice de Belen, nag-reunite para sa anak nilang si Luigi

Feb 22, 2018

NOEL FERRER: Nagbukas kahapon, February 21, ang LUMU restaurant/beerjoint /inuman place ni Chef LUigi MUhlach sa Greenbelt 3.

Present ang mga magulang ni Luigi na sina Aga Muhlach at Janice de Belen, at ang mga kaibigan nila.

Proud parents sina Aga at Janice na game nagpa-picture kasama si Luigi at sa mga guest, kahit nandun din ang maybahay ni Aga na si Charlene Gonzalez.


Continue reading below ↓

Maganda ang IG post ni Aga saying, “Congrats son. Proud Dad here.”

Lu��mu by chef Luigi Muhlach

A post shared by Agamuhlach317 (@agamuhlach317) on

Samantalang ang sabi ni Janice, “To my biggest baby, I am truly happy and proud of you! You’ve come a long way. Congratulations. I love you!!!!”

Katulad ito ng pagsasama naman sa commercial (and who knows, baka sa movie at concert projects din) nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Walang ibang naging masaya kundi ang anak nilang si KC Concepcion.

#goodvibes #goodvibesonly #holdinghands #reallysharoncuneta ð???ð???ð???

A post shared by Concepciongabby (@concepciongabbyy) on


Ibang klase, ‘no, nakaka-move on na tayo sa tradisyunal na definition ng “family” at nare-redefine na ito sa makabagong panahon with peaceful co-existence.

Ang saya lang na everybody happy!

GORGY RULA: Magkapareho ang sagot nina Aga at Janice na hindi naman daw sila magkaaway, kaya walang problema kung magsama sila sa isang project.

Pero nang tinanong kung OK din ba na magsama sila sa isang commercial na katapat ng kina Gabby at Sharon, natatawa na lang sila.

Continue reading below ↓

Pero alam n'yo bang si Luigi ang pinakamasaya sa event na yun?

Masayang-masaya siya na nakikitang magkasama ang mommy at daddy niya.

JERRY OLEA: Nakaka-good vibes!

Marami ang nalukring nang maging good friends sina Regine Velasquez at Michelle Van Eimeren—ang dalawang babaeng pinakasalan ni Ogie Alcasid.

Pero nakasanayan na rin natin ang kanilang set-up bilang makabagong pamilya.

Natuwa tayo sa tsikang close kay Pops Fernandez ang anak ni Martin Nievera sa ibang babae.

Kinilig tayo sa “friendship” nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion nang magtambal sila sa patalastas ng McDo.

At siyempre pa, masaya tayo sa maayos na turingan nina Janice de Belen at Aga Muhlach.

Ang magagandang relasyon na ito ay dahil sa kanilang mga anak.

Nagkahiwalay man sina Ogie-Michelle, Martin-Pops, Sharon-Gabby, at Janice-Aga, hindi tuluyang naputol ang bigkis ng kanilang ugnayan dahil sa bunga ng kanilang pagmamahalan.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results