Local films, nakikipagsabayan sa lakas sa takilya ng Black Panther

Feb 23, 2018

GORGY RULA: Naglabas ang Cineko Productions ng figures na umabot daw ng P4.2M ang first day earnings ng pelikulang The Significant Other, na nagbukas na sa mga sinehan noong February 21.

Sa totoo lang, kahit nagpakita ng matinding lakas sa takilya ang The Black Panther, na ayon sa reliable source ng PEP Alerts, mahigit P200M na raw ang kinita nito, okay naman at masaya ang producers sa kinita ng local films.


Continue reading below ↓

Ang pelikulang Meet Me at St. Gallen na pumapasok na sa pangatlong linggo, umabot na raw sa P65M ang kinita.


Ang Sin Island na nasa second week na ay naka-P24M na rin daw.


Continue reading below ↓

Halos P15M naman ang kasabay na My Fairy Tail Love Story.


Okay na raw yun kahit patuloy pa ring namamayagpag sa takilya ang Black Panther.

Iyon lang naman ang hinihingi ng mga producers, na bigyan lang sila ng sapat na sinehan.

Hindi yung itodo na ang lahat na sinehan sa malalakas na foreign films.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Ano kaya ang puwedeng magbalik ng sigla para panoorin pa ng mas maraming tao ang pelikulang Pilipino?

Buti na lang nakatulong ang Valentine’s Day at nagkaroon ng date-movie-hits, pero what’s the next best playdate—Black Saturday?

Sana meron na namang out-of-the-box Filipino film na pupukaw ng ating interes, para naman ma-encourage pa ang mga local producers na gumawa ng marami pang magagandang pelikula.

JERRY OLEA: Congrats sa Significant cast at production people!

Eh, kasi naman, bonggabella ang pagkakadirek ni Joel Lamangan. Ang tarayan nina Lovi Poe at Erich Gonzales, bet na bet ng mga Sirena at Diwata.

Team Kabit vs Team Legal Wife, kanino ka?!

Aliw Theater din ang engkuwentro nina Dina Bonnevie at Snooky Serna. Mahusay!

At si Tom Rodriguez, tsalap-tsalap lumaplap! Hindi kataka-taka na napaungol ang karakter ni Erich!

Iyong Black Panther, naka-$242M sa unang apat na araw ng pagpapalabas sa North America.

Continue reading below ↓

Fifth best opening of all time (domestic, hindi adjusted sa inflation)!

Umabot na sa $462.3M ang worldwide gross nito.

Record-smashing!

Pero lumalaban dito ang Pinoy films, huh?!

Ang local movies ay hindi nagpaka-pagong sa takilya.

Ang hanash nga ni Direk Joel, “Hindi na pagong si Snooky... panther na siya!”

Read Next
Read More Stories About
Meet Me in St. Gallen
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results