Derek Ramsay at Piolo Pascual, apektado ba sa kaso ng iniendorsong produkto?

Feb 23, 2018

NOEL FERRER: Malaking balita ngayon ang diumano'y umaabot sa Php1B na lawsuit sa isang popular donut company dahil sa taxes.

The past years, nagdagdag pa ng endorsers ang produktong ito. Kung dati si Derek Ramsay lang, idinagdag pa si Piolo Pascual.


Legitimate question ng mga tagsubaybay: kapag ganito bang nasasangkot sa kontrobersiya at isyu ang isang kumpanya na nire-represent o ini-endorse ng mga kilalang personalidad, puwede ba silang kumawala sa kanilang agreement?

Continue reading below ↓

Dahil conversely, kapag ang ibang mga celebrity endorsers naman ang nasasangkot sa iskandalo, madalas nababalitaan natin ang pag-pull out ng ibang advertisers.

Ano ang kalakaran sa mga ganito?

JERRY OLEA: Interesting question.

May precedent na ba sa local showbiz ang ganitong kaso?

Hindi ako abogado. Siguro, depende iyan sa kontrata.

Kaya makabubuting sumangguni sina Derek at Piolo sa abogado, sakaling nais nilang kumalas bilang endorsers ng produkto.

Doon nila malalaman ang kanilang legal options, just in case.

GORGY RULA: Kung ano ang nakasaad sa kontratang pinirmahan, yun ang masusunod.

Magsisilbing aral na rin ito sa mga talent managers na kailangan may ganun ngang kunsiderasyon kapag makipag-deal sila sa isang kumpanya para sa hawak nilang talents.

Pero kapag ang artista ay maganda ang pakikitungo sa kumpanyang pinagtatrabahuan nila, minsan mas binding pa ang maayos na pag-uusap kesa sa pinirmahang kontrata.

Kung matagal na ang pagsasama niyo sa isang produktong ini-endorse niyo, nakabuo na kayo ng magandang relasyon, na kapag may pinagdadaanan, walang iwanan.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Derek Ramsay, Piolo Pascual
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results