Tapatang Coco Martin at Ruru Madrid, umabot sa Panagbenga Festival 2018

Feb 25, 2018

JERRY OLEA: Bidang-bida si Coco Martin sa Grand Float Parade ng Panagbenga 2018 ngayong Linggo ng umaga, Pebrero 25, sa Baguio City!

Sa kanya pinakamalakas ang hiyawan at palakpakan ng mga tao.

Kaway nang kaway sa kanya ang fans.

Salamat po!!!�???�???�???

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

Maski iyong elementary students na kasama sa parada, nawala sandali sa formation nang tumapat sa kanila ang float ni Coco matapos iyong mag-U-turn sa Harrison Road, sa may Burnham Park.

Bigay na bigay pa si Coco sa pagkanta, kaya tuwang-tuwa ang mga dalaginding, pati mga bata.
Nakalimang kanta ang mga Kapamilya sa may puwesto namin, tsurang mini-concert!

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

Kasama ni Coco sa karosa ang co-stars sa FPJ’s Ang Probinsyano na sina Angel Aquino, Lito Lapid, at Michael de Mesa.

�???�???�???�???�???�???

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

Mabenta rin sa fans si Ruru Madrid, Ang Pambansang Almusal.

Tampok din sa Kapuso float sina Megan Young, Matt Evans, Mikael Daez (Pambansang Panga), Jak Roberto (Pambansang Abs), at Glaiza de Castro.

Ang lakas din ng dating ni Empoy Marquez, na panay-panay ang pagse-selfie habang nasa float.

Continue reading below ↓

May mangilan-ngilang tumatawag sa kanya ng “Idol!” at “Pogi!” na sinusundan ng tawa.

Pwetmalu pa rin sa parada si Carrot Man, na namumukadkad ang kayumangging kisig.



Continue reading below ↓

Nasa unahan ni Carrot Man ang Bahag Boys, na nagpakilig sa mga Sirena at Diwata.



Continue reading below ↓

Ka-join din sa parada si Mommy Dionisia, na tila pagod na kaya “nagtago” sa hawla.

Si Asi Taulava ay lumapit sa fans para makipagkamay at magpa-selfie. Nakakatuwa!

Magandang Baguio sa ating lahat!

GORGY RULA: Coco vs. Ruru ba?

Lalong pinalapit ng Ang Probinsyano si Coco sa mga tao, di ba?

Totoo bang hanggang June pa ito o aabot pa ba ng second year?

Tamang-tama namang lalo pang pinatingkad ng Sherlock Jr. ang career ni Ruru.

Abangan daw ang dalawang bagong commercials ni Ruru na malapit nang ilabas.

JERRY OLEA: Most applauded ang magkapatid na Bongbong at Imee Marcos nang pumarada kahapon ng umaga, Sabado, Pebrero 24, sa Baguio Athletic Bowl kaugnay sa field demonstration ng Street Dance Competition.

Nagtalumpati sila pareho, kahit wala iyon sa inianunsyong programa.

“May pag-asa pa!” bulalas ni Governor Imee, kaugnay sa protesta ni former Senator Bongbong sa pagiging Vice President ng bansa.

Continue reading below ↓

Walang keber sa anibersaryo ng EDSA ang mga turistang sumugod sa 23rd Panagbenga Festival.

Pumarada rin kahapon si Congressman Alfred Vargas.

Waley si Presidente DU30, papunta kasing Marawi.

Si Honorable Francisco N. Tolentino (Presidential Adviser on Political Affairs) ang bumasa ng kanyang mensahe.

NOEL FERRER: Kita ang paghahalo ng pulitika at showbiz sa ganitong mataong mga pagdiriwang.

Ngunit, sino nga ba ang nakinabang? Ang ekonomiya ng Baguio? Nasaan ang mga locals?

Nagtago na nga lang ba dahil sa dami ng mga turistang dumayo na hindi naman napaghandaan nang maayos kaya nagsisikipan at pila-pilahan ang serbisyo sa siyudad ngayon?

Sa Maynila naman, ilan nga ba ang nagdiriwang sa ika-32 anibersaryo ng EDSA People Power?

Baka nga raw mas marami pa ang pumunta sa last day ng Big Bad Wolf Book Sale sa World Trade Center ngayon.

Nakakalungkot dahil umalpas na sa kamalayan ng marami sa atin ang halaga ng kasaysayan.

Ito ba ang tinatawag na pagmu-move on?

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Coco Martin, Ruru Madrid
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results