Mommy Carol ni Juday, bilib sa tapang at pag-amin ni Mark Bautista

Feb 25, 2018

NOEL FERRER: Fierce, feisty but loving mom ang nag-guest sa aming teleradyo program na Level Up Showbiz Saturdate sa Radyo Inquirer kagabi, February 24, sa katauhan ni Mommy Carol Santos.

Game na game na sinagot ng ina ni Judy Ann Santos lahat ng katanungan sa kanya, mapapersonal man o may kinalaman sa mga anak niya o sa showbiz in general.

Bilang pagdiriwang naman yun ng kanyang 71st birthday, napag-usapan talaga ang kanyang sakripisyo ng pagtatrabaho ng 12 years sa Canada para matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Tulung-tulong silang mag-anak, kasama sina Jeffrey, Jackie, at Juday, at ang yumaong si Nanay Binay na naging katiwala nila at itinuring na kapamilya na.

Continue reading below ↓

Nang tanungin tungkol sa showbiz issues si Mommy Carol, heto ang kanyang ilang honest at quotable quotes:

*Pabor si Mommy Carol sa Divorce Bill. Malaking tulong daw ito sa mga babaeng gustong makalaya sa maling relasyon.

*Best friend ni Mommy Carol since high school ang mommy Amelia ni Piolo Pascual, na inaasahan niyang a-attend ng kanyang birthday party ngayong gabi.

*Sabel ang paboritong pelikula ni Mommy Carol sa mga ginawa ni Juday. Ito ang nagbigay kay Juday ng Urian Best Actress award.

*Kung anuman ang susunod na pelikula ni Juday—maging with Claudine Barretto o Piolo Pascual man—ay okay kay Mommy Carol.


Continue reading below ↓

*Nang ipag-comment tungkol sa Sharon-Gabby reunion, sabi ni Mommy Carol, "Basta I love Sharon. Kahit sino pa man ang kasama niya, Sharon lang ako."

*Isa si Mommy Carol sa mga naunang bumili at sumuporta sa Beyond The Mark book ni Mark Bautista. Easy and honest read daw ito. Ang comment ni Mommy Carol, “Mas bilib ako sa mga umaamin at nagpapakatotoo, kaysa sa mga hindi; kakaibang tapang ang kailangan dun.”

Wala na raw mahihiling si Mommy Carol sa buhay niya, puro pasalamat na lang. Inilalaan na lang niya ang buhay niya sa kanyang mga anak at mga apo.

Happy birthday Mommy Carol!


Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Nakakatuwa ang pagiging straightforward ni Mommy Carol.

Hindi siya nang-eeklay.

Kesa magpakawala ng showbiz na statement, wah na lang siya talk.

Laugh na lang, if ever!

Tawa kami nang tawa kay Mommy Carol nang makatsika namin noon sa isang lamay.

Teka! Natuloy ba ang kanyang pa-tagay?!

Cheers, Mommy Carol!!!

Read Next
Read More Stories About
Mark Bautista
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results