John Estrada at Mylene Dizon, nagkainitan sa set ng The Good Son?

Feb 24, 2018

GORGY RULA: Ayaw magkomento ng ilang taong involved sa The Good Son, pero kalat na kalat na ang isyung nagkaroon daw ng gulo sa pagitan nina John Estrada at Mylene Dizon sa set ng primetime series ng ABS-CBN.

Ang kuwentong nakarating sa PEP Alerts, nasampal ni Mylene si John sa set ng The Good Son dahil may mga sinasabi raw ang aktor na hindi niya nagustuhan.

Tila nabastusan na raw si Mylene sa inaasal ni John sa kanya kaya hindi ito nakapagpigil at nasampal ang aktor.

Iyon daw ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi na bumalik sa taping si John, kaya papatayin na ang karakter nito sa teleserye.


Continue reading below ↓

Mylene Dizon, John Estrada, at Eula Valdes

Wala lang akong pagkakataong makuhanan ng pahayag ang dalawa. Pero ayaw na ring magsalita ang mga artistang bahagi ng seryeng ito.

Isang taga-The Good Son ang napagtanungan namin, ayaw niyang magbigay ng detalye kung ano talaga ang nangyari.

Sabi lang niya sa amin, "Ewan ko sa kanila. Ang tanda na nila, eh."

Bukas ang PEP.ph sa pahayag ng taga-The Good Son, pati sina John at Mylene.

JERRY OLEA: Very good ang Kapamilya writers kaya magagawan ng paraan na “patayin” ang karakter ni John sa The Good Son.

Hindi ito ang first time na nagkaroon ng ganitong scenario sa TV show, at hindi rin ito ang huli.

Maiigting ang mga eksena nina Mylene, Eula Valdes, Nash Aguas, at Jerome Ponce.

Hindi masisira ang mga pangunahing tunggalian ng istorya kung mawala si John.

The Good Son ang teleserye, hindi The Good Uncle.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Sa April 13 ang napipintong pagtatapos ng The Good Son.

Kung ano man ang mga plot twist na mangyayari—may mamatay man na karakter o may iba pa mang mangyari—kailangan ito sa kuwentong tatahakin ng teleserye na tatakbo pa ng may 6-7 weeks.

Kung may personal mang pinagdaanan sina Mylene at John sa proseso ng taping, hayaan natin sila ang mag-sort out nito, at labas na diyan ang produksiyon.

Ang mahalaga, they made the most that they can do to make the story work.

At kung may kailangan man silang ayusin, labas na yun sa trabaho nila at sa concern ng production as of this point.

Katulad ng ibang patapos nang teleserye na nagpe-presscon para sa bonggang ending, tingnan natin kung mag-a-ala Wildflower sila na kasama lahat, pati ang namatay nang karakter ni Red Dragon ni Zsa Zsa Padilla na nang-agaw ng pansin ang alindog sa presscon.

Continue reading below ↓

Similarly, sa La Luna Sangre, the lead characters ang iniharap sa media.

Sa pagtatapos ng The Good Son, isama pa kaya sina Mylene at si John o i-concentrate na lang sa mga batang frontliners sa kuwento?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results