Ai-Ai delas Alas, Angel Locsin, Iza Calzado ginawaran ng Ani ng Dangal

Feb 26, 2018

NOEL FERRER: Katatapos lang ng Ani ng Dangal (A Harvest of Pinoy Pride) ngayong gabi, February 26, sa Marble Hall, Ayuntamiento Bldg ng House of Treasury, Intramuros, Manila.

Pinangunahan ito ng National Commission for Culture and the Arts na pinamumunuan ni National Artist Virgilio Almario.

Nasa ika-sampung taon na ng pagbibigay ng pagkilala sa highest achievements in cinema, dance, drama, literature, music, visual, and broadcast arts.

Naging tradisyon ito ng pagpapahalaga sa mga kinilalang mga manlilikhang Pinoy sa ibang bansa at itinataon ito tuwing National Arts Month.

Ang bawat isa ay nakatanggap ng tropeyong stylized Sarimanok sculpted by National Artist for Visual Arts Abdul Mari Asia Imao and executed by Toym Imao.

It represents the Filipino artists’ achievements in the global stage.

Kasama sa mga pinarangalan sa larangan ng Cinema sina Ai-Ai delas Alas, Angel Locsin, Louie Ignacio, Allen Dizon, Angeli Sanoy, Ana Capri, Brillante Mendoza, Lav Diaz, Raymond Gutierrez, Hasmine Killip, Ronwaldo Martin, Ricky Davao, Imago.

Continue reading below ↓

Ganun din sina Jona Ballara, Lawrence Fajardo, Bianca Balbuena, Gino Jose R. del Mundo, Sheron Dayoc, ang mga pelikulang Pamilya Ordinaryo, Women of the Weeping River, Saving Sally, Sunday Beauty Queen, 1st Sem, Maria, Fatima Marie Torres And The Invasion Of Space Shuttle Pinas 25, Paglipay, Pauwi Na, Pitong Kabang Palay, Contestant #4, Flip The Record, at si Iza Calzado.


Continue reading below ↓

Si Iza ang inatasang magbigay ng acceptance speech on behalf of all the awardees from the various arts.

Ang sabi ni Teddy Co, significant ang pagbibigay ng acceptance speech ni Iza (na nanalo para sa pelikulang Bliss ni Jerold Tarog) dahil ang mga sinundan niyang tagapagsalita noong mga nakaraang taon ay sina Joel Lamangan, Vilma Santos, at Nora Aunor.


Continue reading below ↓

Muli, binabati namin ang lahat ng mga nagsipagwagi sa Ani ng Dangal.

Sana’y itaguyod niyo ang Dangal ng Manlilikhang Pilipino!

JERRY OLEA: Karamihan sa taga-Cinema na pinarangalan sa 10th Ani ng Dangal ng NCCA (National Commission for the Culture and the Arts) ay nauna nang kinilala sa 2nd Film Ambassadors Night ng FDCP (Film Development Council of the Philippines).

Ang isa pang ahensiya ng gobyerno, CEB (Cinema Evaluation Board), ay nagbibigay ng tax rebate para sa matitino at magagandang pelikula.

May puwang pa ba ang MTRCB sa pamumudmod ng sarili nilang awards kaugnay sa mga artista at pelikula?

May kumuwestiyon kung bakit si Iza ang inatasang magtalumpati in behalf of the other winners.

Bakit naman hindi?

Kung anu’t ano man, nawa’y maging inspirasyon sa Pinoy filmmakers ang ganitong pagpapahalaga sa kanilang achievements upang patuloy silang lumikha ng mga makabuluhang pelikula.

Mabuhay!

GORGY RULA: Hindi pa rin nawawala ang mga reklamo't hanash sa mga ganung awarding.

Continue reading below ↓

May karapatan kayang magreklamo ang designer na si Joyce Penas Pilarsky na nagwagi rin daw sa isang international competition na hindi ko mawari?

Nanalo raw siya sa isang jewelry designing sa ibang bansa. Bakit hindi rin daw siya bibigyan ng parangal bilang nasa larangan din naman yun ng culture & arts?

May punto kaya ang inirereklamo niya?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results