Judy Ann, Ryan, Heart, Lovi, KC sumugod sa Amanpulo

Feb 27, 2018

NOEL FERRER: Nasa Amanpulo, Palawan na ang ilan sa ating mga kaibigang artista para sa Journey to Omega Seamaster Aqua Terra.

Ito’y sa pamumuno ng grupo ng lovable na mag-inang sina Tita Marilen Nuñez at ang anak niyang si Rambo.

Umaga pa lang ay nag-post na si Judy Ann Santos ng photo nila ng asawang si Ryan Agoncillo at IG stories na kasama nila sina Ogie at Leila Alcasid pati na si KC Concepcion.

Touchdown aman!! �???�???�??? #seamasteraquaterra

A post shared by Judy Ann Santos-Agoncillo (@officialjuday) on

Inaasahan ding dumalo ang magasawang Marco at Lara Quigaman-Alcaraz, Heart Evangelista, Lovi Poe, at marami pang ibang celebrities.

JERRY OLEA: Masaya ang pagba-bonding ng celebrities sa events organized by Marilen Nuñez noon pa man.

Bonggabella ang mga ganap sa golf tournaments or sports events organized by Marilen—sa Bora, Baguio o Palawan man.

Ang mga artistang nare-relax, masarap chika-chikahin.

May update na ba kay Juday kaugnay sa pinagpaplanuhan umanong reunion movie nila ni Piolo Pascual sa Prague?

Continue reading below ↓

Siyempre, OK ring usisain si KC kung ano na ang status nila ni Aly Borromeo. Nagkakalabuan na ba sila?

Hmmn... if ever, ano o sino kaya ang delicious na mapag-uusapan nina Juday at KC?

GORGY RULA: Nag-invite kaya ang grupo ni Marilen Nuñez ng media sa event na 'yan sa Amanpulo?

Kasi sa mga nakaraan naming experience sa mga inimbitahang event o summer activities na inu-organize ni Marilen, ang dami naming nasasagap na kuwento.

Naalala namin ang makasaysayang pananampal ni Alessandra de Rossi kay Jeremy Marquez sa Pearl Farm sa Davao.

Ang dami ring nagkatuluyan dahil nagkakilala sa ganung klaseng event.

Kaya ang ibang celebrities ay hindi na lang sumasama o umiiwas at behaved sila kapag maraming media na nagku-cover.

Diyan ngayon sa Amanpulo, tamang-tama lang ang pagba-bonding at bakasyon na rin ng mga showbiz couples, kagaya nina Ryan at Judy Ann.

Pero sa mga single, ang ganda ng lugar na 'yan at tamang panahon na ring makapaghanap ng makikilalang single din.

Continue reading below ↓

Pero kahit hindi single, ang daming nagaganap na nagkakatikiman lang.

Sayang! Hindi natin masasaksihan ang kaganapan diyan ngayon sa Amanpulo.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results