Talent manager na nasunugan, nagtatampo sa ibang mga alaga

Feb 27, 2018

JERRY OLEA: Nahimasmasan na si Lito de Guzman (kontrobersiyal na talent manager) matapos matupok ang kanyang bahay sa Imus, Cavite, noong Biyernes ng gabi, Pebrero 23.

Bahagi ng post ni Lito ngayong Martes, Pebrero 27, sa Facebook, “Wala ka ng magawa kundi tangapin na lang. Move on na lang, magsikap na lang ulit.

“Dobleng sikap na lang ulit para maitayo mo ulit ang nasunog mong bahay, mga naipundar mong gamit na tiyak matagal mo ulit mabibili 'yan at kung paano mo ulit matatayo ‘yan.

“Sakit sa dibdib, but on brighter side, salamat na din na walang buhay na nadamay.

“Sabi nga nila, materyal lang, madali mong maipundar ulit. Oo, kung madami kang perang naitabi. Kung wala, mahirap.

“Anyway, dito mo naman din talaga makikta ang mga totoong tao at totoong kaibigan kung sino talaga ang my puso na dumadamay sa 'yo.”

Agad na dumamay kay Lito sina Ramona Revilla, Wonder Gays, Baywalk Bodies, Jeffrey Gonzales, at Katrina Paula.

Continue reading below ↓

Sobrang saya ni Lito dahil "mahal na mahal pa din nila ako kahit matagal na kaming walang work together."

Sabi pa niya, “Nakakatampo lang yung kung sino pa yung alaga mo na inaasahan mong re-rescue agad sa ‘yo, kasi beshie pa rin siya eh deadma-deadmahan.”

Tumuloy muna sina Lito sa isang kamag-anak na malapit lang sa bahay nila.

Kuwento pa ni Lito,”May nag-provide agad sa akin ng kuwarto na maayos naman, naka-aircon naman. Comfortable naman.

“Sa panimula, ang office ko ang condo ko. Andiyan pa rin naman, kasi opisina ko yun.

“Una munang binili, kasi as in walang natira except sa cars ko, una mumurahin munang damit.

“Imbes sanay ako sa Lacoste, nag-downgrade ako. Nag-Giordano na lang muna.

“Sampung sando, sampung brief, sampung polo shirts, sampung pantalon at sampung walking shorts, para umandar agad ang buhay.

“Kasi, ‘yan ang unang pangangailangan mo. At isang kumot, isang bed sheet at dalawang unan para comfortable agad ang buhay, makakapag-isip at makakapagtrabaho agad-agad.”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Wow, sabi nga, mas mahirap masunugan kaysa manakawan.

Pero gayunpaman, maganda naman sa ganitong sitwasyon, nagkakatulungan.

Pero nasaan ang mga primerang naging alaga ni Lito na sina Ynez Veneracion, Hazel Espinosa, at Rita Magdalena?

Baka naman parating na ang kanilang tulong. Hintay lang natin.

GORGY RULA: Wala pang isang linggo siyang nasunugan. Huwag muna siyang mag-emote.

Baka naman darating din ang mga dating inalagaang artista para tulungan siya.

Huwag na lang sanang negahin ang nega ring dumating sa buhay niya.

Naalala ko tuloy ang sinabi ng isang kontrobersiyal na aktor na dumaan din sa matinding pagsubok.

Sa ganung pagkakataon daw, huwag mo raw iasa sa ibang tao. Tanging ikaw lang daw ang makakatulong sa sarili mo, hindi ang ibang tao.

Read Next
Read More Stories About
Lito de Guzman
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results