Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Migo Adecer, nakuryente sa set ng The One That Got Away

Mar 1, 2018

GORGY RULA: Nakumpirma ng PEP Alerts sa GMA Artist Center na nakuryente nga si Migo Adecer sa set ng primetime series na The One That Got Away.

Nangyari ito noong Lunes ng gabi, February 26, nang tinanggal daw ng young actor ang ilaw sa kanilang tent.

Nagulat na lang daw ang mga kasama niya sa tent nang biglang nangisay si Migo.

Mabuti at napatay nila ang connection ng ilaw sa tent na yun at natanggal agad si Migo sa lugar.

Kaagad na isinugod si Migo sa hospital at tsinek daw nang mabuti, at okay naman daw siya.

Pero pinauwi na lang siya at hindi na tinapos ang taping para makapagpahinga na.


Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

NOEL FERRER: Ano ang liability ng production sa nangyaring ito?

Ano kaya ang safeguards na gagawin at ano ang mga aaksyunang concerns ng mga tao sa set kung sakali.

Sana may matutunan tayo sa pangyayaring ito at may positibong aksyon na lalabas dahil dito.

Sa ngayon, ipagdarasal nating bumuti ang kalagayan ni Migo, hangad na hindi mangyari sa kahit kanino ang nangyari sa kanya.

JERRY OLEA: TOTGA from Death!

Hindi pa niya oras para matodas.

Nawa’y walang side effect kay Migo ang nangyari.

Idalangin natin ang mabilisan niyang recovery.

GORGY RULA: Isang pagkaklaro mula sa ilang taga-GMA-7 na nakausap ng PEP Alerts, hindi nagpabaya ang buong production staff ng The One That Got Away nang aksidenteng nakuryente si Migo Adecer sa set ng naturang drama series.

Una, si Migo ang gumalaw sa ilaw ng tent na gusto nitong paluwagin para mamatay ito. Sana tinawag na lang daw niya sa isang staff o utility kung gusto nitong patayin.

Continue reading below ↓

Hindi raw totoong bumula ang bibig at hinimatay ang young actor nang nakuryente ito.

Kaagad siyang isinugod sa hospital at pina-check-up para matiyak na safe na safe na siya.

Pagkagaling sa hospital, bumalik si Migo sa set dahil gusto na raw niyang mag-taping uli, okay na raw siya.

Pero nag-decide ang production staff ng naturang show na pauwiin siya para makapagpahinga na siya.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results