Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Edgar Allan Guzman at Shaira Mae dela Cruz, magkasamang bumiyahe sa New York kahit break na?

Mar 1, 2018

GORGY RULA: Pasensiya na po, Sir Noel, pero namalisyahan lang ako sa nadiskubre kong post nina Edgar Allan Guzman at Shaira Mae dela Cruz na pareho palang nasa Amerika.

Nag-post si EA sa kanyang Instagram account nung February 19 na nasa Times Square sa New York siya.

Meron ding post si Shaira nung ganun ding araw sa parehong lugar.

Happy kiddo!! �??? Dream come true..�?� �??�@andymasfar

A post shared by Shaira Diaz (@shairadiaz_) on

Nagkataon nagkatagpo, o talagang magkasama silang nagbiyahe?

Naalala ko pa sa presscon noon ng Deadma Walking na tahasang sinabi ni EA na break na sila ni Shaira dahil mas naka-focus daw siya ngayon sa kanyang career at sa pamilya.

Parang wala naman yatang nangyaring breakup, eh!

JERRY OLEA: Bago pa mag-presscon ang Deadma Walking ay nakita na ng isang kaibigan ang dalawang magkasama sa mall.

Sa panayam namin noon sa presscon sa Limbaga 77 ay hindi siya tahasang nag-deny, bagkus ay nakiusap na i-focus na lang ang usapan sa mga ganap sa kanyang career.

Continue reading below ↓

Kumbaga, ibalato na lang sa kanya ang isyu.

Sa isang radio interview, hindi kinontra ni EA ang tsikang hiwalay na sila. Umoo na lang siya para hindi na dalirutin ang kanilang relasyon.

I wonder, sasabihin kaya nilang they’re just good friends, gaya ng actors na sina M & M na may ganoong posts sa social media?

Continue reading below ↓
Recommended Videos

O aaminin nilang sila pa talaga, at ang love nila ay mas matamis pa sa M&M (the chocolate)?!

NOEL FERRER: Sa totoo lang, kahit ako nagulat nang maglabasan ang mga kuwentong ito dahil ang sabi mismo ni Edgar Allan (EA) sa akin na wala na nga sila ni Shaira Mae.

Kung nagsinungaling man siya, kargo niya na yun!

Nag-adjust ng schedule ang shooting ng CineFilipino entry niya na Mata Tapang dahil sa paalam niyang manood ng NBA All Stars nang mag-isa.

Nilinaw niyang wala siyang kasama, para rin mapag-isip siya tungkol sa kanyang buhay na kailangan niyang ayusin.

Continue reading below ↓

Sigurado akong maging ang pamilya ni Edgar ay gulat sa naglalabasang balita at mga litratong ngayon.

Dahil kung sila nga ang prayoridad ni EA, eh, di sana sila ang inuna niyang isinama sa U.S. kaysa sa starlet na sabi niyang tinuldukan na niya ang relasyon at nananatili pang may gap sa nanay at kapatid ni EA.

Read Next
Read More Stories About
Edgar Allan Guzman, Shaira Mae
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results