Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

MMFF 2018 mas pinaaga ang deadline; film producers, nag-iisip na ng pantapat kay Vice Ganda

Mar 2, 2018

NOEL FERRER: Na-constitute na ang naging Executive Committee members ng 2018 Metro Manila Film Festival.

May mga bagong appointees, tulad nina Congresswoman Len Alonte-Naguiat, Ms. Annie Naval ng SM Lifestyle Entertainment, Mr Amir Prescilla na general manager ng Ayala Malls Cinemas, at Dr. Rowena Capulong-Reyes.


Ang inyong lingkod pa rin ang naatasang Official MMFF Spokesperson, at may dagdag na responsibilidad na mag-head ng Education and Publication Committee na magko-consolidate ng MMFF history, prospects and problems, lessons learned, critical essays and highlights of the MMFF in its very rich and colorful years sa isang libro to be released next year (coinciding with the 45th anniversary of the MMFF and the 100th year of Philippine Cinema).

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Thrust ng MMFF 2018 na magsulong ng mas maraming film education and audience development programs na imbes na meet-and-greet sessions lang ay mga talkback at audience engagement sessions kasama ng artists at filmmakers.

Ginawang mas maaga rin ang deadlines para sa letters of intent, scripts, at finished films.

At sa taong ito, ang sponsor city ay Parañaque.

Kaya’t ang taunang Parade of Stars ay magaganap sa Parañaque sa December 23, at ang awards night at gaganapin sa December 27 sa The Theater Solaire.

Herewith are the names of the new EXECOM members and the Festival Working Calendar:


Continue reading below ↓



Continue reading below ↓


Lahat ay pinaaga, pati na ang marketing efforts headed by the Marketing Committee Chairman Mr. Wilson Tieng para mas ma-maximize ang impact at gains ng pinakaaabangang taunang Pista Ng Pelikulang Pilipino.

GORGY RULA: Ngayon pa lang ay naghahanda na ang ilang producers ng isasali nila sa taunang MMFF.

Pero ayon sa ilang producers na nakausap namin, doon na raw sila sa tiyak na patok sa mga bata at pampamilya.

Continue reading below ↓

Ang iba naman ay kung ano ang pelikula at kung sino ang malakas na artistang puwede nilang itapat kay Vice Ganda.

Sabi nga ng isang line producer, kahit sabihin pang basura itong pelikula ni Vice Ganda, e, yun ang kumikita. Kaya tipong ganun na rin daw ang gagawin nila.

Tingnan na lang natin kung paano naman ngayon pumili ang bagong grupo na bubuo ng Screening Committee.

Ang mapapanood ba natin sa MMFF ngayong taon ay katipo rin ng mga pelikula nung nakaraang taon?

Kung ako ang tatanungin, sana sa walong pelikulang kalahok, dalawa ang fantasy/comedy o fantasy/action, dalawang drama (isang family drama at isang sexy/love story), isang comedy, isang action, isang historical o musical, at isang mala-indie na naiiba sa usual na formula na kuwento.

JERRY OLEA: Wow! Patuloy ang evolution ng MMFF!

Mabuti at ngayon pa lang ay kumikilos na ang ExeComm, para mas mapaghandaan ang film fiesta sa Disyembre.

Continue reading below ↓

Of course, hindi mawawala ang mga kuda at hanash ng mga negatron, pero meron ding mga constructive criticism na nakatutulong upang mas mapabuti ang festival.

Sana, walang coup d’etat o power struggle sa MMFF, ha?!

Sana rin, may “basurang” entry pa rin si Vice Ganda, para mas masigla ang mga ganap.

Aba! Si Mother Lily mismo ng Regal Films, bilib sa Gandarrapido: The Revenger Squad.

Isa na naman kanyang “Haunted” horror film ang ilalahok ng Regal matapos ang Haunted Forest na tubong lugaw?!

Puwedeng Haunted Island... Haunted River... Haunted Pasture... Haunted Desert...

Ang bet ni Mother Lily na magdirek ay si Chito Roño.

Read Next
Read More Stories About
MMFF 2018
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results