Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

JC Santos, Bela Padilla, at iba pang stars, wagi sa GEMS; Paulo Avelino, hindi nahintay ang award?

Mar 3, 2018

JERRY OLEA: Congrats sa ka-T.I. namin sa PEP Alerts na si Noel Ferrer sa kanyang unang award bilang broadcaster!

Winner si Noel bilang Best Male Entertaiment Broadcaster sa GEMS (Guild of Educators, Mentors and Students) Hiyas ng Sining Awards 2018 nitong Biyernes, March 2, sa De La Salle Zobel sa Alabang.

Ito ay para sa weekly program niyang LEVEL UP: Showbiz Saturdate ng Radyo Inquirer.

Ang female counterpart ni Noel ay si Tita Cristy Fermin para sa weekday program nitong Cristy FerMinute sa Radio5 92.3 News FM.

Nangangatog si Noel nang basahin sa cellphone ang kanyang acceptance speech.

Totoo ba ang nasagap namin na nainip si Paulo Avelino at hindi na nito nahintay ang kanyang award? Meron pa raw showbiz reporter na nagtaray?

NOEL FERRER: Iba pala talaga kapag nasa entablado ka na at sobrang lakas ng ilaw na wala ka halos makita sa audience.


Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Buti na lang ay supportive ang aking mga co-awardees na naroroon na sina Chris Millado (Best Playwright), Jackie Lou Blanco (Best Supporting Actress sa play), Cherry Pie Picache (Best Actress sa play) lahat para sa Buwan at Baril; Rodg Vera (best theater production and best theater director para sa Buhay ni Galileo).

Matiyaga ring naghintay ng hinuling awards sina Bela Padilla at JC Santos (Best Actress at Actor sa film na 100 Tula Para kay Stella).


Continue reading below ↓

Dumalo rin si Dimples Romana (Best Supporting Actress for TV sa The Greatest Love) at Angel Locsin (Best Single Performance-MMK).

Nandun din ang Team Larawan with producers Celeste Legaspi and Alemberg Ang (Best Picture) and Best Director (Loy Arcenas).

Heto na, si Paulo Avelino ay dumating na raw (pero hindi ko nakita) at humiling na unahin na ang award niya, pero hindi ito napagbigyan dahil sinunod naman talaga ang flow ng programa na nasa last ang film awards.

Deadma rin si Jasmine Curtis-Smith na best supporting actress sa Siargao.

Ang mga nagtatak na madamdaming speech ay mula sa Hiraya Theater Group na kinabibilangan ng ex-jowa ng isang kaibigan sa panulat dito sa Summit; at yung kay Alwyn Ignacio (na best male entertainment print writer).

Pinagsabihan ni Alwyn ang mga mag-aaral sa audience na huwag lang mapako sa social media ang mga ito.

Sabi niya, danasin ang mundo at gumawa ng kapaki-pakinabang kaysa humilata lang at magpalaki ng balakang.

Continue reading below ↓

Medyo pinatutsadahan ni Alwyn ang editor ng dati niyang pinagsusulatan kung saan siya nagbabalik, at sinabihang, "WELL WELL WELL" (parang ang ibig sabihin ay, "Nakanino ang huling halakhak?") na sinusugan naman ni Nanay Cristy na nagsabing kaaalis lang niya sa isang publikasyon na kaiba sa kanyang mga paniniwala kaya iisang bangka raw sila ni Alwyn.

Special mention ka Boss Jerry sa speech ni Alwyn bilang isa sa mga sumuporta sa kanya sa simula’t simula pa lamang.

Nang tawagin naman si Nanay Cristy para tanggapin ang kanyang award sa radyo, tinawag nito si Wendell Alvarez na inaliw ang mga tao sa kakaibang paraan niya ng pagsasalita. Bentang-benta sa audience ang "TOLFU" niya para sa "Tulfo" at "WANDA TOLFU TEYU" para sa "Wanda Tulfo Teo."

Pero bakit kaya parang hindi ko narinig na banggitin ni Nanay Cristy ang dati niyang co-host na si Ronnie Carrasco? May alam ba kayong dahilan Tito Gorgy?

Continue reading below ↓

GORGY RULA: May ideya ako kung bakit hindi nabanggit ni Tita Cristy yun, pero di na yun mahalaga.

Tama talaga ang sabi ng isa sa mga editors natin na bentang-benta pa rin talaga ang entertainment kaya kahit mga educators ay nag-i-effort na mamili ng winners nila sa larangan ng entertainment dahil interesado na rin ang mga mag-aaral sa entertainment.

Kaya malaki talaga ang impluwensiya ng showbiz sa karamihan nating mag-aaral.

Mamayang gabi po sa programang Level Up ni Sir Noel ay pag-uusapan ang naturang award-giving body, at ilan pang sidelights na namataan niya roon.

Pakinggan na lang sa Radyo Inquirer mamayang 7:30 ng gabi.

Congratulations po, Sir Noel!

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results