Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Oscars 2018: Matalo kaya ni Timothee Chalamet si Gary Oldman for Best Actor?

Mar 3, 2018

JERRY OLEA: Gaganapin ang 90th Academy Awards (Oscars) ngayong Linggo, Marso 4, 5 PM GMT-8, sa Dolby Theater ng Hollywood and Highland Center sa Hollywood, California.

Bale Lunes (Marso 5) ito ng umaga sa Pilipinas.

Matunog na magbe-best actor si Gary Oldman sa pagganap bilang Winston Churchill sa Darkest Hour.


Continue reading below ↓

Llamadong mag-best actress si Frances McDormand na sakdal husay sa Three Billboards Outside Ebbing, Missouri.


Continue reading below ↓
Recommended Videos

Bet ng marami na magbe-best director si Guillermo del Toro para sa The Shape of Water, na may 13 nominasyon.


Continue reading below ↓

Ang host ng programa ay si Jimmy Kimmel.

Ipe-perform nina Common, Mary J. Blige, Gael García Bernal, Andra Day, Natalia LaFourcade, Miguel, Keala Settle, at Sufjan Stevens ang mga nominadong kanta.

Presenters sina Emily Blunt, Sandra Bullock, Dave Chappelle, Eugenio Derbez, Ansel Elgort, Jane Fonda, Jodie Foster, Eiza González, Ashley Judd, Nicole Kidman, Matthew McConaughey, Helen Mirren, Rita Moreno, Lupita Nyong’o, Christopher Walken, Mahershala Ali, Chadwick Boseman, Viola Davis, Laura Dern, Jennifer Garner, Greta Gerwig, Tiffany Haddish, Tom Holland, Kumail Nanjiani, Margot Robbie, Emma Stone, Daniela Vega,  Lin-Manuel Miranda, Gal Gadot, Mark Hamill, Armie Hammer, Oscar Isaac, Gina Rodriguez, Eva Marie Saint, Wes Studi, Kelly Marie Tran, at Zendaya.

NOEL FERRER: Our dear readers, we ask you, sino ang bet niyo sa mga major awards? We would want your reactions.

Ako, kilala niyo naman ako na Hurrah for the Underdog talaga ako palagi.

Kahit hindi lumalabas sa mga popular choices, Call Me By Your Name, especially Timothee Chamalet for Best Actor, kahit lahat na lang nagsasabi na si Gary Oldman ang magwawagi for Darkest Hour.

Continue reading below ↓


I want your reactions posted here.

At kung gagawin ang isang pelikula na mala-Call Me By Your Name, sino ang nakikita niyong gumaganap dito?

Ako, either Miguel Tanfelix or Ruru Madrid (kung Kapuso) o si James Reid or Enchong Dee or even Joshua Garcia (kung Kapamilya) as Elio, and Dingdong Dantes or Piolo Pascual as Oliver.

Continue reading below ↓

Sa akin 'yan, ano naman ang sa inyo? Kung sakali lang naman...

GORGY RULA: Hindi ko naman napanood ang karamihang pelikulang nominated sa Oscars lalo na yung kay Gary Oldman.

So far, sobrang nagustuhan ko si Timothee Chamalet sa Call Me By Your Name. Sa ending lang na mala-Nora Aunor ang acting ng mata, waging-wagi na siya.

Gustung-gusto ko rin si Sally Hawkins ng Shape of Water, pero ewan ko lang kung mag-win siya.

Basta ako, pag nanonood ako ng Oscars, ang iniisip ko, kailan kaya natin ma-achieve ang mala-Oscars na awards night na dumadalo ang mga artistang nominado?

Maayos ang pamamahagi ng award, iisa lang ang host na matino at kayang dalhin ang buong seremonya.

Higit sa lahat, karapat-dapat ang mga napiling winners na walang kumukuwestiyon.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results