Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Bianca Umali, handa nang magpa-sexy ngayong 18 na siya?

Mar 3, 2018

GORGY RULA: Pagkatapos i-celebrate ni Bianca Umali ang kanyang 18th birthday, kung saan sinorpresa siya ng co-stars niya at production staff ng Kambal Karibal kamakalawa, ngayon naman ay tila handa na ang young actress na magpa-sexy.

Sabi naman ng handler ni Bianca, napapayag magsuot ng one-piece ang young actress sa isang eksena sa Kambal Karibal dahil kailangan naman daw.


Continue reading below ↓

Hanggang dun lang daw muna dahil wala pa naman sa plano ni Bianca ang all-out na pa-sexy.

Pero at least may bagong aabangan sa drama series nila ni Miguel Tanfelix.


Continue reading below ↓
Recommended Videos

Malapit na raw mapanood ang eksenang ito na makikita ang kaseksihan at kagandahan ng Kapuso young actress.


Continue reading below ↓

Kahapon, March 2, ang eksaktong birthday ni Bianca.

Bukod sa pa-birthday sa kanya ng Kambal Karibal, magkakaroon talaga siya ng celebration para sa kanyang debut na gagawin sa March 17.

Siyempre, si Miguel Tanfelix ang escort.

Pero hindi pa masabi ni Bianca kung first o last dance ang Kapuso young actor.

Kahit 18 na siya, hindi pa rin daw siya handang pumasok sa isang relasyon.

Pero aminado si Bianca na espesyal na ang friendship nila ni Miguel. Ganun din naman ang nararamdaman ni Miguel kay Bianca.

Ang birthday message nga ni Miguel para kay Bianca na ipinost sa kanyang Instagram account: “Happy Birthday my precious one. Thank you for existing in my life.”

Happy Birthday my precious one. Thank you for existing in my life. â?£ï¸?ð??¹

A post shared by Miguel Tanfelix (@migueltanfelix_) on

NOEL FERRER: Kasama ni Ryan Agoncillo si Bianca Umali sa sitcom sa GMA na Ismol Family na tumagal din ng ilang seasons.

Noon pa man, nakakatuwa na sila ni Miguel Tanfelix.

Humanga pa ako lalo kay Bianca nang mapanood ko siya sa Martial Law Special ng GMA with Alden Richards at Rocco Nacino.

Continue reading below ↓

May kakaibang husay na ipinakita roon si Bianca, at sinabi ko talaga 'yan sa handler niya sa GMA-7 na kaibigan ko na si Tracy Garcia.

Happy birthday, Bianca! Sana patuloy ka pang mahasa at gumaling sa pag-arte and, in the process, bumait pang lalo.

JERRY OLEA: Sa surprise birthday salubong para kay Bianca sa set ng Kambal Karibal, meron nang pa-18 Roses dance sa kanya ang cast at production.

Ang katambal niyang si Miguel ang nag-abot ng 18th Rose.

Sa Marso 17 na debut celebration niya, malapit na ang Semana Santa.

Isa si Bianca sa mga prinsesa ng Kapuso Network, kaya deserve niyang magkaroon ng engrandeng pagdiriwang.

In due time, Bianca the Princess will be Bianca the Queen.

Yun na, Bianca King!

Read Next
Read More Stories About
Bianca Umali, PEP Alerts
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results