Tom Cruise, worst actor sa 38th Razzie Awards

Mar 4, 2018

JERRY OLEA: Worst actor si Tom Cruise (The Mummy) sa 38th Golden Raspberry Awards (Razzies).


Worst actress si Tyler Perry (Boo 2! A Mades Halloween). Worst supporting actor si Mel Gibson (Daddy’s Home 2). Worst supporting actress si Kim Basinger (Fifty Shades Darker).

Worst Picture ang animated comedy na The Emoji Movie, na nasungkit din ang mga tropeo para sa worst director (Tony Leondis), worst screenplay (Tony Leondis, Eric Siegel, and Mike White), at worst screen combo (any two obnoxious emojis).

Continue reading below ↓

Worst remake, rip-off or sequel ang Fifty Shades Darker.

Winner ang Baywatch bilang The Razzie Contender So Rotten You Loved It.

Walang napanalunan ang Transformers: The Last Knight, gayong sampu ang nominasyon nito.

Dalawa ang tropeo ng Fifty Shades Darker, out of nine nominations.

Nakaisang award ang The Mummy, sa kabila ng walong nominasyon.

Ang Baywatch at The Emoji Movie ay may tig-limang nominasyon.

Luhaan ang The Emoji Movie sa bagong kategoryang The Razzie Contender So Rotten You Loved It, na nakuha ng Baywatch.

Nang-announce ng winners ang anti-honors awarding body na ito isang araw bago ang Oscars.

Ang halaga ng uncoveted trophy ay $4.97. Isa itong golf ball-sized raspberry na nakapatong sa Super 8 mm film reel, na spray painted sa gold.


Continue reading below ↓

Ang co-founders ng Razzie Awards ay sina John J. B. Wilson at Mo Murphy, na kapwa film graduate sa University of California in Los Angeles, at beterano sa industriya ng pelikula.

NOEL FERRER: Nakakatuwa ang Razzie Awards, at noon pa namin naisip nina Allan Diones at kahit ni Alwyn Ignacio na kasama ko sa radyo kagabi, March 3, 2018, na magtayo ng ganitong grupo. Of course, kasama kayo Boss Jerry at Tito Gorgy.

Pero ang tanong, handa ba ang mga Pinoy na magkaroon ng ganitong pagpaparangal na ganito?

Nega at taliwas sa ating kultura ng pag-focus sa mabubuti ang ganitong award, pero sa U.S., nagiging lunsaran ng diskurso sa pelikula ito.

Walang pikunan, sport lamang.

Kakayanin kaya natin ang ganito sa ating bansa?

If mangyayari iyan at all, sinu-sino ang mga worst—halimbawa sa local films, actors at actress natin, at maging sa local television shows at mga hosts at iba pa?

Continue reading below ↓

Puwede kaya nating pangalanan, kahit katuwaan lang...at walang pikunan?

Read Next
Read More Stories About
Tom Cruise
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results