Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Nakasalalay kay Gabby kung matutuloy ang pelikula nila ni Sharon

Mar 4, 2018

NOEL FERRER: Sharon Cuneta wears her heart on her sleeve, kaya naman isang madamdaming interview ang matutunghayan mamaya sa “Rated K” when Korina Meets Mega.

Nang tanungin si Sharon tungkol sa inaatabayanang movie team-up nila ni Gabby, ang sabi lang daw niya, “Depende 'yan kay Gabby,” dahil sa kanya’y gusto niyang matuloy na, at hindi sa kanya magkakaroon ng problema.


Continue reading below ↓

Tikom na ang bibig ni Sharon at sa kampo nito tungkol sa proseso na pinagdadaanan ng kanilang reunion film. Pero napag-alaman namin na naging madali ang negosasyon sa kanilang McDo commercial dahil malinaw at madaling kausap ang dalawang taong nakapirma sa kontrata ni Gabby.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ngunit tungkol sa pelikula, meron pang nadagdag na tao diumano na umeksena sa pakikipag-usap in behalf of Gabby, which prompted my source into asking kung sino ba talaga ang manager ni Gabby Concepcion?

Ang alam natin ay si Popoy Caritativo, as seen thru the McDonalds commercial. Unless may ibang agent si Gabby sa pelikula.

Kung anuman, sana mapagbigyan na nila ang mga fans at huwag nang pahirapan at ituloy na ang dream project na ito.

GORGY RULA: Ang narinig ko naman kasi, may isang bestfriend si Gabby na kinu-convince daw niyang mag-finance ng pelikulang pagsasamahan nila ni Sharon. Gusto raw kasi ng aktor na sila na lang ni Sharon ang mag-produce o merong taong malapit sa kanila na mag-finance ng pelikula nila. Malakas ang kutob kong mauunsyami lang 'yan.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Sayang naman kung hindi matutuloy.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results