Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Wagi ang hot favorites sa Oscars 2018

Mar 5, 2018

JERRY OLEA: Wagi ang hot favorites sa major categories ng 90th Academy Awards (Oscars).

Best actress si Frances McDormand (Three Billboards Outside Ebbing, Missouri).

Best actor si Gary Oldman (Darkest Hour).

Best director si Guillermo del Toro (The Shape of Water).

Best supporting actress si Allison Janney (I, Tonya).

Best supporting actor si Sam Rockwell (Three Billboards Outside Ebbing, Missouri).

“Presenting is lovelier the second time around,” sabi ni Faye Dunaway nang mag-present muli sila ni Warren Beatty para sa best picture.

At ang nagwagi... The Shape of Water.


Continue reading below ↓

Sa kategoryang best original screenplay ay nganga ang The Shape of Water, at ang nagwagi ay ang Get Out.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Best adapted screenplay ang Call Me By Your Name.

Ang nagwaging best actress last year na si Emma Stone ang presenter para sa best director.

Best foreign language film ang A Fantastic Woman/Una mujer fantastica (Chile).

Ang bida ritong transgender na si Daniela Vega ay nag-introduce sa performance ng nominadong theme song na "Mystery of Love" (mula sa Call Me By Your Name).

Best original song ang "Remember Me" mula sa Coco, na nagwagi bilang best animated feature).

Wagi rin ang The Shape of Water sa mga kategoryang best production design at best original score.

Panalo ang Dunkirk sa mga kategoryang best film editing, best sound editing at best sound mixing.

Ang winner ng best costume design na si Mark Bridges (Phantom Thread) ang nag-uwi ng jet ski.

And 36-second acceptance speech niya ang pinakamaikli.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Sorry, pero medyo old and boring ang presentation ng 90th Oscars kanina.

Pero kung pagiging inclusive ang advocacy nila, ang gandang tingnan na tumayo ang karamihan.

Sayang at kokonti lang ang Asians dun na kasama sa pinahalagahan na obra.

Kailan kaya tayo manU-nominate man lang sa Oscars?

Sana kung mas higit pa ang suporta ng gobyerno at sambayanan sa ating mga pelikula.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results