Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Rigodon de amor sa TV: Edu at Alice sa ABS-CBN; John at KC sa GMA-7?

Mar 6, 2018

NOEL FERRER: Kung expected man ang ibang nagwagi sa Oscars kahapon, March 5, may mga dalang pasabog naman sa local showbiz.

Una. Ginulat tayo sa mga bagong karakter sa FPJ's Ang Probinsyano na may Sagisag Ng Pangulo Ng Pilipinas.

Welcome addition sina Dawn Zulueta, Alice Dixson, Rowell Santiago, at Edu Manzano.


Continue reading below ↓

Si Alice, nauna na niyang nabanggit na kasama siya dapat sa ibang Kapamilya teleserye, pero heto’t mauuna pa itong stint niya sa Ang Probinsyano.

Naibalita na natin dito ang pagpasok ni Edu Manzano sa programa pagkatapos niyang iwan ang Celebrity Bluff sa Kapuso network.

Ikalawang pasabog. Ngayong mamamatay na ang karakter ni John Estrada sa The Good Son, may katotohanan kaya ang paglipat naman niya sa Kapuso network para sa isang proyekto kasama ng anak na si Inah de Belen?

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Hindi ba’t si Janice mismo ay may projects pa rin sa GMA? Tuloy ang rigodon ng mga network.


Continue reading below ↓

Ikatlong pasabog ng Lunes. Ayaw naming patulan ang sinasabing show na katatampukan nina Claudine Barretto at Judy Ann Santos na hindi raw drama kundi hosting.

Ang alam ko ay teleserye muna ang haharapin ni Juday pagkatapos ng kanilang birthdays at anniversary ng asawang si Ryan Agoncillo.

Ang mas kaabang-abang na balita ay ang pagpo-propose ng isang male celebrity this week sa kasintahan niyang aktres.

Nakaka-inspire ang kuwento nila at nangako akong walang clue nai bibigay dahil gusto kong maganap ito nang masaya lang lahat.

Basta may exclusive interview akong nakabangko sa personalidad na ito na UNA niyong mababalitaan at mapapanood dito lamang sa PEP ALERTS.

Kayo, ano pa ang exciting na pasabog showbiz balita ninyo?

JERRY OLEA: Patuloy na namamayagpag sa ere ang FPJ’s Ang Probinsyano, kaya huwag na nating itanong kung kailan ito magwawakas.

Napakainit ng pagtanggap ng mga tao kay Coco Martin saan man siya magtungo. Walang sawa factor!

Continue reading below ↓

Halos sabay na nagsimula sa showbiz sina Alice Dixson at Dawn Zulueta.

Kung paseksihan ngayon ay wagi si Alice, pero sa husay ng aktingan ay lamang si Dawn.

Hmmm, mula sa isang kaibigan, naitsika sa akin na nakipagmiting si John Estrada recently sa isang Kapuso executive.

Magtatanung-tanong tayo tungkol dito.

Tungkol sa pagsasama nina Juday at Claudine sa isang TV show, masaya ako kung matutuloy ito.

GORGY RULA: Nanatiling tikom ang bibig ng ilang taga-GMA 7 tungkol sa isyung paglipat ni John Estrada sa GMA-7.

May sagot naman ang ibang executives na hindi raw totoo yun, pero may kasunod na “hehehe.” Kaya mukhang may dagdag pang balita diyan.

Ang isa lang sa narinig kong kuwento ay ang isyu nina John at Mylene Dizon.

Nung December pa raw nagsimula ang hidwaan ng dalawa, na ayaw naman daw nilang pag-usapan pa ito.

Pero nagkaroon daw ng isang insidente na umiyak nang matindi sa set ng The Good Son.

Continue reading below ↓

Doon lang daw nila nakita si Mylene na umiyak nang ganun katindi. Ayaw lang nilang sabihin kung bakit, at kung ano ang ginawa ng aktor.

Ang isa pang napapag-usapang lilipat na rin ng GMA-7 ay si KC Concepcion.


May narinig lang akong wala pa raw pag-uusap na paglipat.

Continue reading below ↓

Guesting lang daw muna ang gusto nila. Hindi lang sinabi kung saan at kailan ang guesting na iyun.

Tungkol naman sa pagsasama nina Judy Ann Santos at Claudine Barretto sa isang project, mas type ko pa rin ang pagsasama uli nina Judy Ann at Piolo Pascual, kesa si Claudine.

Sana magka-soap sila, kasama ang isang sikat na young love team na puwedeng sina Maymay Entrata at Edward Barber.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results