Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Gabby Eigenmann, sino ang peg sa bisexual role niya sa Contessa?

Mar 6, 2018

JERRY OLEA: Bisexual si Vito Imperial, ang karakter ni Gabby Eigemann sa Kapuso teleseryeng Contessa na mag-uumpisang ipalabas sa Marso 19 ng hapon, pagkatapos ng Eat Bulaga.

Nakailang gay roles na si Gabby, pero first time niyang gumanap na bisexual.


“I’ve been watching Narcos. I’ve been following Pacho Herrera,” pakli ni Gabby nitong Lunes ng gabi, Marso 5, sa GMA Network Center, QC.

Continue reading below ↓

“Isa siyang karakter doon na balbas-sarado rin, pumapatay ng tao, pero may lover siyang lalaki.

“So, siya ang peg ko.”

Sa local scene, sino ang peg niya?

“Naku, marami! Pero off the record!” mabilis na sambit ni Gabby.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Kahit isa lang, sino? Kapuso ba?

“Ha! Ha! Ha! Ha! Hindi! Hindi! Ha! Ha! Ha! Ha!” malutong na halakhak ng aktor.

“Hindi siya artista! Ha! Ha! Ha! Ha! Mahirap na!

"Pag off the record, sasabihin ko. Ha! Ha! Ha! Ha!

"Nakakaloka!”

Gaganap bilang trophy wife ni Vito Imperial si Bernadette Allyson, at ang kanyang kanang kamay na lover din ay gagampanan ni Phytos Ramirez.

“May bed scene kami ni Phytos!” napapangiting bulalas ni Gabby.

“May moments na naglalambing-lambing siya sa akin, na nakikita ni Bernadette.

“Bilang asawa, mahal na mahal ako ni Bernadette, and she came from not-so-well family.

“Kaya siguro pinakasalan niya ako, dahil very well taken care of siya, yung lifestyle ng mayaman na family.”

Continue reading below ↓

Malamang, may mga bading na maimbiyerna sa kanya dahil kontrabida siya rito, lalo pa’t lovable noon ang gay character niya sa Dading.

“Medyo careful ako in a way,” sabi ni Gabby.

“Kasi nga, yung Dading, very well loved. Mas naka-relate sila sa panadero... a, tatay. Ito, iba, eh.

“So, we’ll surprise na lang the audience kung saan ba papunta itong karakter ni Vito.

“But it’s fun doing it. Kasi, iba!”

NOEL FERRER: Sana nga meron ding member ng LGBT sa kuwento ng Contessa na hindi lang pang-comic relief o hindi kontrabida.

Marami nga sigurong puwedeng high profile na peg sa karakter ni Gabby, pero marami rin yung bisexual or gays na puwedeng mabait at pambida ang kanilang istorya

Sanay lang tayo sa mga conventions at stereotypes, pero sana mas makahanap ulit ng magandang pambidang representation ng LGBT sector tulad ng My Husband’s Lover.

GORGY RULA: Marami nang nagampanang role si Gabby, pero nai-excite pa rin daw siya sa bawat role na ginagawa niya, dahil talagang kina-career niya ito.

Continue reading below ↓

Pero alam n'yo ba kung ano ang isa sa binabalak na gustung-gustong gawin ni Gabby? Ang magdirek ng isang pelikula o kahit movie for TV.

Tatlong taon na ang nakararaan, nagbakasyon siya sa New York kasama ang kanyang asawa at mga anak, naisip daw niya sanang kumuha ng crash course on filmmaking.

Pinag-iisipan na raw niya noong subukan na ang pagdidirek, pero nag-e-enjoy pa raw siya sa pag-aartista. Darating din daw siya sa career na ‘yan.

Ang asawa niyang si Apples ang nagkumbinse sa kanyang simulan na ang pagplano ng pagdidirek dahil, eventually, baka sa likod ng kamera na raw siya magtatrabaho.

Dagdag pa na pahayag ni Gabby, “Pag pumasok na ako sa pagdidirek, ang main concern ko, sino ang ididirek ko?

"Kasi, when it comes to acting, I get impatient.

"So, what more pag magdirek ako, hindi ako ma-satisfy, di ba?

“Kung magdidirek man ako, I would want to direct the family. Kasi hindi ko na kailangang i-explain sa kanila kung ano ang dapat gawin.”

Continue reading below ↓

Gusto rin daw niyang idirek sa isang project sina Glaiza de Castro at Dingdong Dantes dahil pamilya na ang turingan nila at kilala na nila ang isa’t isa.

Read Next
Read More Stories About
Gabby Eigenmann, Contessa
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results