Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Tetchie Agbayani, na-trauma raw nang mag-pose sa Playboy

by PEP Troika
Mar 7, 2018

JERRY OLEA: “Na-trauma ako dun.”

Kaswal na sambit ng 56-year-old actress na si Tetchie Agbayani kaugnay sa photo shoot (cover model!) niya para sa July 1982 issue ng German edition ng Playboy magazine.


Sikat na sikat siya nun, ha?! Ang mga barakong Pinoy, nabaliw, nahibang, nahumaling sa kanyang kahubdan.

“Kasi, ahh... yung nakikita nilang ‘yon, yung nasa picture, it’s a persona,” paliwanag ni La Tetcha sa presscon ng Kapuso teleseryeng Contessa nitong Lunes ng gabi, Marso 5, sa GMA Network Center.

Continue reading below ↓

“Like, in Playboy, you have to be attractive.

"And when they asked me to do that work, I wanted to stress on the beautiful shape of a woman.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“The beautiful curves of a woman.

“I didn’t want to do spread eagle and show the... it’s not like that.

“Kung ano ang hinihingi ng trabaho, yun ang ibinibigay ko.

“After I leave that job, I revive my being me.”

Paano kung may mga respetadong pintor o artist na gusto uli siyang kuning nude model?

“Nagawa ko na yun, e!” pagkunot-noo ni Tetchie.

Ayaw na ba niyang ibilad ang kanyang pagkababae as a mature woman?

Natawa si Tetchie, “Di na siguro! Iba naman! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Let’s move on!”


Continue reading below ↓

Sa tingin ba niya, yung mga lalaking nagpapantasya hanggang ngayon sa kanyang alindog at hindi pa rin nakaka-move on ay psychologically disturbed?

Natigilan si Tetchie bago hinay-hinay na sumagot.

“Depende! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Hindi naman siguro. Hindi naman siguro.

“I cannot say, e! I cannot really say until I get to really study the person.

“Ang misconception sa psychology is that... basa kita, alam na kita, alam ko ang pagkatao mo.

“Hindi totoo ‘yon.

“Ako kasi, bilang psychologist, if you do not give me permission to analyze you, I won’t analyze you.”

At ayaw niyang mag-generalize?

“No. Kasi, in logic, that’s a fallacy,” seryosong lahad ni Tetchie.

“Sweeping generalization is not correct. It’s a fallacy.

“Iyon... natutunan ko lang yun noong college ako.

"Ano ba ‘yon?! Naloka ako!” bulalas pa ng aktres habang pinupunasan ang pawis sa noo.

NOEL FERRER: The good thing with Tetchie Agbayani, nag-evolve din siya as an artist.

Continue reading below ↓

I remember seeing her playing Darna in the CCP Virgin Labfest.

That’s the name of the game—reinvention.

Hindi na niya kailangang mag-pose nang nude ulit. Tama na yung nag -aral siya at nagpakadalubhasa.

Learn more skills and be good at all of them. Dahil diyan, wagi si Tetchie!

GORGY RULA: Pagkatapos ng presscon ng Contessa, nakasabay ko si Tetchie Agayani sa elevator pababa mula sa 17th floor ng GMA Network Center.

Paulit-ulit niyang sinasabing nagpapasalamat siya at kinuha siya uli ng GMA-7. Madalas daw kasi ay nasa ABS-CBN siya.

Gusto naman daw niyang makatrabaho ang Kapuso artists na ngayon pa lang niya nakakatrabaho.

Nabanggit din niyang napapabilib daw siya sa mga batang artista ngayong magagaling nang umarte.

Nagpapasalamat ang aktres sa mainit na pagtanggap sa kanya ng entertainment press.

Ngayon lang daw niya na-experience uli na ang daming nagpa-picture sa kanya. Kaya talagang pinagbibigyan niya ang reporters na gustong mag-selfie sa kanya.

Continue reading below ↓

Kaya kahit sa loob ng elevator, selfie keti selfie kami.

Read Next
Read More Stories About
Tetchie Agbayani, playboy
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results