Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Bernardo Bernardo, nagbabalak maglabas ng libro bago pumanaw

Mar 8, 2018

NOEL FERRER: Nakakalungkot na balita.

Sa gitna na apoy na tumupok sa UP Shopping Center, nakarating na sa amin ang balitang sumakabilang buhay na ang mahal naming mahusay na aktor, guro, at manunulat ng book project naming si Bernardo Bernardo.


JERRY OLEA: Hindi namin malilimutan ang pagganap ni Bernardo Bernardo bilang Manay Sharon sa 1980 film na City After Dark (aka Manila By Night) na dinirek ni Ishmael Bernal.

Continue reading below ↓

Bonggacious ang kissing scene nila roon ni William Martinez, ganun din ang eksena nila ni Charito Solis.

Huli naming napanood si BB sa Ang Larawan (MMFF 2017 entry).

Best Actor si BB sa 5th Gawad Urian!

Continue reading below ↓
Recommended Videos

NOEL FERRER: Naalala ko na nag-full circle siya sa Urian nang manalo siya bilang Best Supporting Actor para sa Imbisibol two years ago.

Last year, nagkasama pa sila ni Mitch Valdes na mag-present ng unang Urian award pagkatapos ng appearance ni Ma’am Charo Santos-Concio. Ang saya nila nun.

Dalawang libro ang inaayos namin ni BB: isang memoir niya bilang artista at isa pa ay ang kanyang makulay na personal na buhay.

Hanggang sa kanyang sickbed, inaayos niya yun! Kinausap ko na si Karina Bolasco ng Anvil noon pa tungkol sa mga librong ito.

Ngayon, pumanaw na siya. Tagos sa puso ang pagka-artist nj BB. Mahal na mahal natin siya!!!

GORGY RULA: Nakakalungkot na katatapos lang mag-40 days ni Direk Maryo J. de los Reyes, may sumunod na agad.

Continue reading below ↓

Nasa first  quarter pa lang tayo ng taon, sunud-sunod ang mga pumanaw na kaibigan natin sa entertainment industry.

Sana magpamisa ang PAMI uli gaya nang ginagawa nila nung mga nakaraang taon.

Katatapos lang ng fundraising show para kay Bernardo at sapat naman daw ang nalikom nila sa show na yun na ginamit sa pagpapagamot niya, pero bumigay na siya talaga.

Patuloy lang po tayo sa pagdarasal.

NOEL FERRER: Still out of words, BB's interment will be at the St. Peter's Chapel at Araneta Avenue tonight.

Read Next
Read More Stories About
death
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results