Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Cine Turismo, paparangalan ang mga pelikulang nagpapakita ng ganda ng Pilipinas

Mar 9, 2018

NOEL FERRER: Habang ang ToFarm Festival ay naghananap pa ng bagong festival director—although napag-usapan sa Level Up radio program ko last Saturday na kinausap na raw si Direk Laurice Guillen para maging consultant at Bibeth Orteza bilang festival director, at baka magkaroon ng special section ang ToFarm sa Cinemalaya Festival—nananatili pa ring bukas ang posisyon na iniwan ni Direk Maryo J. de los Reyes.

Ongoing naman ang Sinag Maynila na may awards night na this weekend.

Susunod naman ang CineFilipino sa April at inihahanda na ang entries na pinamumunuan ng Unitel at MVP Group.

'Tapos halos magkasunod ang Cinemalaya at Pista ng Pelikulang Pilipino sa July-August.

Balita namin ay nag-aayusan pa ng kontrata ang participants ng Cinemalaya at mukhang meron na naman daw bagong magba-backout sa roster; samantalang ang Pista ng Pelikulang Pilipino naman ay susubukang buuin ang suporta ng mga sinehan para sa edisyon nila ngayong taon.

Habang wait and see pa ang lahat, heto ang bagong parangal mula sa Tourism Promotions Board na sinusuportahan ang film tourism with “Cine Turismo.”

Continue reading below ↓

The Tourism Promotions Board (TPB), an attached agency of the Department of Tourism (DOT) is set to give recognition to 8 Filipino-made and two foreign movies that have showcased the beauty of the Philippines and have helped promote Philippine tourism through film.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Magsisilbi itong isa sa launch activities ng Cine Turismo, isang bagong campaign spearheaded by TPB under Chief Operating Officer Cesar Montano, na magbibigay ng recognition sa Filipino directors at ang kanilang mga pelkula which were shown in 2016 and 2017.

Kasama sa pararangalan ang mga pelikulang Sakaling Hindi Makarating, directed by Ice Idanan and shot in Ilocos, Siquijor, Batanes, and Zamboanga; Director Ellen Ongkeko-Marfil’s Lakbay2Love, which showcases Timberland Heights and Benguet; Camp Sawi by Director Irene Villamor, set in Bantayan Island; Patay Na Si Hesus, directed by Victor Villanueva; Director Mario Cornejo’s Apocalypse Child set in Baler; Siargao by Director Paul Soriano, which showcases the island of the same name; Requited by Director Nerissa Picadizo, which features Mt. Pinatubo; and Director Thop Nazareno’s Kiko Boksingero, filmed in Baguio.

Continue reading below ↓


A scene from Sakaling Hindi Makarating


Continue reading below ↓

A scene from Lakbay2Love

May special citations pa sa South Korean films Mango Tree, directed by Lee Soo-Sung and shot in Cebu, and Romantic Island, directed by Cheol-Woo Kang and shot in Boracay.

Ang tanong, bakit kaya hindi nakapasa sa criteria ang Baler o Ned’s Project na gawa sa at ng mga taga-Quezon na mga direktor na sina Gil Portes and Lem Lorca?

JERRY OLEA: Maganda ang layunin ng Cine Turismo— ng pagkilala sa mga pelikulang nagpo-promote sa magagandang lugar sa bansa.

Kumbaga, pangontra ito sa Pinoy movies na ang ibinabalandra ay “poverty porn”!

May kaakibat bang cash incentives ang mga recognition na ito?

As expected, may mga reklamo kaugnay sa mga pelikulang inisnab o binalewala.

Panimula pa lang naman ito, at bigyan natin ng pagkakataon ang grupo na isaayos ang mga nakaligtaan o ano mang pagkukulang.

GORGY RULA: Meron pang gawa si Lem Lorca na Mauban, na kuha mismo sa Mauban, Quezon, at ang Maestra na sa Zambales naman yata kinunan.

Continue reading below ↓

Saka ang Paglipay ni Zig Dulay.

Ipinakita rin ng pelikulang Mr. & Mrs. Cruz ang ganda ng Palawan.

Yung sa Kiko Boksingero nga, hindi naman nagalugad nang husto ang kabuuan ng Baguio. Mas nakikita pa nga sa Honor Thy Father.

Sa totoo lang, maganda itong ginagawa ng DOT para lalong ma-inspire ang producers na gumawa ng pelikulang ipapakita ang ganda ng Pilipinas.

Saka i-consider din sana ang cinematography ng pelikula kung maganda o hindi.

May ilan kasing napiling pelikulang pararangalang hindi ganun ka-impressive ang cinematography, kaya hindi napapatingkad ang magagandang tanawing ipinapakita sa pelikula.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results