Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Guwapong aktor, malapit nang maging binatang ama

Mar 9, 2018

JERRY OLEA: Malapit nang maging binatang ama ang guwapong aktor na si J!

Matagal-tagal nang tahimik ang guwapong aktor kaugnay sa kanyang love life, matapos silang maghiwalay ng isang sexy starlet.

Hanggang natisod kanina ng PEP Alerts na manganganak na any day from now ang GF niya!

Premyado ang guwapong aktor na si J, at pwetmalu ang pagganap niya sa isang indie movie last year.

May kissing scene dapat siya sa kapwa aktor sa pelikulang ipinalabas noong Enero, pero na-edit out iyon.

Nasa kalendaryo pa ang edad ng guwapong aktor, na masinop sa buhay at nakapagpundar na ng negosyo.

GORGY RULA: Tahimik lang ang aktor na ito. Hindi mahilig sa isyu at intriga.

Kaya malamang na mas gusto niyang tahimik na lang at pribado na ang pagiging ama.

Lalabas at lalabas din naman 'yan, at hindi naman 'yan magsisinungaling kung sakaling matanong tungkol diyan.

NOEL FERRER: Talaga? May kissing scene talaga? Hindi ko alam yun, ha!

Continue reading below ↓

Mabait sa akin ang aktor na ito. I will always wish him the best.

At siguradong magpapa-burger ‘yan (kung lalaki, dahil hindi naman ako nagtatabako, o magpapa-donut kung babae) kapag kumpirmado na ang balita!

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results