Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Meet Joe Black... Chou

Mar 10, 2018

JERRY OLEA: Back-to-back ang gala premiere ng indie films na Bomba (Idinirek ni Ralston Jover) at Tale of the Lost Boys (dinirek ni Joselito Altarejos) kagabi sa Cinema 11 ng SM North EDSA, QC.

Ang dalawang pelikula ay kabilang sa limang full-length films na finalists ng ongoing Sinag Maynila 2018 filmfest.

Bagama’t premyado ang dalawang pelikula sa international film festivals, ni hindi nangalahati ang sinehan nang mag-gala premiere ang mga ito.

Ang Bomba ay kuwento ng pipi’t binging si Pipo (Allen Dizon) na marubdob ang pagmamahal sa 15-anyos na anak na si Cyrill (Angellie Sanoy).

May commentary ito sa EJK (extra-judicial killings), at bombastic ang kinahinatnan ng relasyon ng mag-ama.

Ang Tale of the Lost Boys ay kuwento ng dalawang tao na naguguluhan sa buhay, at nakatisod ng kaibigan sa isa’t isa.

Si Alex (Oliver Aquino) ay Pilipinong mekaniko na nagbakasyon sa Taipei, Taiwan. Nakilala niya roon ang gay bartender na si Jerry (Ta Su), isang aborigine na nag-aaral maging doktor upang matulungan ang mga katribo.

Continue reading below ↓

Nasa premiere kagabi si Joe Black Chou, ang gumanap bilang Taiwanese lover ni Jerry.

28-anyos na si JBC nguni’t mukhang bata siya sa personal. Wala siyang keber sa halikan nila ni Ta Su, at siya ang naghubad sa pelikula.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Bahagi ng 4th Sinag Maynila ang FDCP Film Talks ngayong Sabado nang 1:00 PM sa Cinema 3 ng The Block, SM North EDSA.

Magsasalita sa forum sina Jeremy Segay (kinatawan ng Korea at South East Asia), Takeo Hisamatsu (festival director ng Tokyo International Film Festival) at Brillante Mendoza (festival director ng Sinag Maynila).

Ipapalabas kapagkuwan ang Ma’ Rosa na pinagbidahan ni Jaclyn Jose.

Libre ito sa publiko.


Continue reading below ↓


Joe Black Chou, Joselito Altarejos at Brillante Mendoza

NOEL FERRER : Sa Linggo na ang awards ceremonies ng Sinag Maynila. Sana, parang MMFF, makatulong sa box office at interest ng taong manood ang magiging resulta ng awards night.

Ang tanong ulit - nasaan kaya ang audience na naghahanap ng magagandang Pinoy films?

Continue reading below ↓


Jerry, parang magkamukha at bagay yung Joe Black Chou sa kasama niyo sa Baguio na si Jae Son Lee. Hehehe!

GORGY RULA: Sa dinami raming indie film festivals, ang Cinemalaya pa lang ang umabot sa kamalayan ng karamihan.

Hindi pa rin sila aware ss Sinag Maynila at iba pa.

Continue reading below ↓

Matatapos na lang itong Sinag Maynila, hindi pa napapag-usapan.

Wala ka pa yatang comment Sir Jerry kung bongga nga ba ang acting ni Allen Dizon kaya napansin sa Warsaw Intl. Film Festival.

Read Next
Read More Stories About
FDCP
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results